Sa "Take it! Take it!" scam… AIKO, IBINULGAR NA IPINRAMIS NI DIREK OLIVE ANG BEST ACTRESS AWARD NIYA
- BULGAR
- Jun 18, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 18, 2023

“Mga sikat kayo, alam n’yo someday, magiging katulad n’yo rin ako,” ito ang naaalalang sabi ni Konsehala Aiko Melendez ng 5th District ng Quezon City sa panayam sa kanya sa vlog ni Snooky Serna uploaded sa YouTube channel.
Ang sinabihan ni Aiko noon ay sina Snooky at Maricel Soriano na nasa tuktok ng kasikatan noong panahong bata pa ang una.
“Oh, 'di ba, nagkatotoo?” sambit ni Kooky.
“Siyempre, kasi kayo ‘yung mga tinitingala namin noon,” say naman ni Aiko.
Nagpakuwento kasi si Snooky kung paano nagsimula sa kanyang showbiz career si Aiko at nabanggit nito na edad 6 nang makita siya ng mga namayapang sina Tito Douglas Quijano at Direk Joey Gosiengfiao.
Ang unang pelikula ng konsehala ay ang Where Love Has Gone (1984) kung saan ginampanan niya ang batang Snooky Serna, kaya napangiti naman si Kooky.
Parehong nagsimula sina Aiko at Snooky bilang batang artista at inamin ng una na dumaan siya sa child star syndrome na pakiramdam na gusto niyang mag-artista pero ayaw niya pero wala siyang magawa dahil kailangan niyang iahon sa kahirapan ang pamilya niya.
Sabi naman ni Snooky, kahit bata noon si Aiko ay ibang mag-isip, parang matanda.
“Do you think ninakaw ang kabataan ni Aiko Melendez?” tanong ng host sa konsehala.
“Hindi naman ninakaw, Ate. I think ‘yung core ng buhay ko talaga at that time was my mom na she made me understand na ‘Hey, you’re working because you want it. And during breaks, Ate, pinaglalaro ako. I’m blessed to Mother Lily (Monteverde), I became spoiled na kapag nagte-taping o nagsu-shooting, may laruan ako na ibinibigay nila, so, I get to play. So, medyo naging normal in a way ‘yung life (childhood) ko and I was also studying at that time kasi that was my deal with my mom, 'Puwede kang mag-artista pero tatapusin mo ang pag-aaral mo.’"
Kung hindi raw naging artista si Aiko ay malamang abogada siya dahil, “I love talking, debating, exchanging views with other people. Saka 'pag naapi ang tao, feeling ko, ako ‘yung knight in shining armor, so, feeling ko, 'pag lawyer ako, maipagtatanggol ko ‘yung rights ng mga naapi.”
At ang naging driving force ni Aiko ay pagbutihin ang lahat ng field na pinapasok niya dahil gusto niyang mawala ‘yung paniniwala ng lahat na 'pag artista na pumasok sa politics ay dahil artista at maganda lang.
“'Yan ang pinakaunang award na nakuha ko as Best Actress, so, hindi ko makakalimutan ‘yan. And forever be grateful to Goma because at that time, si Goma was at his peak being Richard Gomez. And he was so kind enough na maging leading man ko and sobrang naging kontrobersiyal because, Ate, ‘yan ‘yung ‘Take it Take it (scandal sa Manila Filmfest).’ Sobrang memorable ‘yan, Ate, kasi si Direk Olive Lamasan, piniga talaga ako at sabi niya, 'Ipinapangako ko sa 'yo, kahit mahirapan ka sa movie na ito, may award akong ibibigay sa ‘yo,'” balik-tanaw ng aktres.
Nabanggit naman ni Snooky na nai-guest niya sa kanyang YT channel si Deborah Sun, ang ina ng kapatid ni Aiko sa ama na si Jam Melendez, at puring-puri nito si Aiko dahil tumutulong sa kanila.
“Actually, the reason why, hindi alam lahat ng tao, tumutulong ako sa kapatid ko at kay Tita Debs, although hindi ko naman obligasyon but choice ko, Ate, kasi nu’ng namatay ang papa (Jimi Melendez), naiwan si Jam. Kasi, Ate, lagi kong tinitingnan ang sarili ko, paano kung ako ‘yun at hindi ako tulungan, ano ang mararamdaman ko?” katwiran ng konsehala.
Kahit pa raw hindi sila okay ni Deborah noon dahil nga naging girlfriend ito ng papa niya, “Kasi paano kung ako ‘yung nasa sitwasyon niya (Jam)? Kaya hindi puwedeng hindi ako tumulong kasi kapatid ko pa rin ‘yun.”
Napag-usapan din si Ara Mina dahil nabunot niya ang pangalan nito sa mga artistang ilalarawan niya.
Natawa muna si Aiko, “Hahahaha! Save the best for last.”
Si Ara kasi ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Aiko at Jomari Yllana noon at open secret naman ito, pero ngayon ay okay na ang dalawang aktres.
“Dati, hindi kami okay, Ate. Ngayon naman, I’m very, very happy, Ate, she’s in a better state of her life now (because) she’s married. I sincerely… ito, walang ka-showbiz-an na halo, I’m happy for her.
“And siguro, you come to a life now na you learned how to forgive, although sometimes it’s hard to forget but you have to, eh, in order to move on and to heal properly. You have to let go of that past na hindi mo na dapat babalikan and I am for that for Ara Mina,” nakangiti pero seryosong pahayag ni Aiko.




Comments