Search
  • BULGAR

Sa sobrang init, natutunaw na ang COVID!

ni Ka Ambo - @Bistado | March 2, 2021



Nauna raw ang PGH director na nabakunahan kontra COVID.


Hindi totoo.


Ang nauna ay mga taga-PSG!


◘◘◘


Hindi na mapigil ang tarpaulin ni Inday Sara.


He-he-he!


◘◘◘


Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson: Bigo ang Anti-illegal drugs campaign.


Nagsimula na ang 2022 election!


◘◘◘


Aprub na ang Manila Bay reclamation.


Sino ang tatabo ng SOP?


◘◘◘


Matindi na ang init.


Matutunaw na ang COVID!


◘◘◘


Takot ang COVID sa mataas na temperatura.


Sa ayaw at sa gusto ng gobyerno—maglalaho ang COVID sa taong ito.


Next year, nagbabakuna pa kahit wala nang COVID!


◘◘◘


Bago bumaba ang bilang, kailangan munang tumirik muli ang peak—pero last peak na ito bago tuluyang humupa.


‘Yan ang aktuwal na galaw ng buhay—zigzag ang graph!


◘◘◘


Ang dapat ibinibilang ay ang mga malulusog na tao na namatay sa COVID at hindi ang mga namatay sa COVID na dati nang mga may sakit.


At tanging ang severe cases lamang dapat—dahil ‘yan mismo ang panukat kung malakas o hindi malakas ang talab ng COVID.


Kahit natisod o nadapa lang—kapag nagging positib sa COVID pagdating ng ospital—isinasama sa datos.


Malaking kolokohan!


◘◘◘


Kapos sa utak ang WHO at sila ang sanhi ng krisis sa ekonomiya—at hindi ang COVID virus.


Tinakot nila ang mga gobyerno at tinakot naman ng gobyerno ang mamamayan.


Nilabag ang kalayaan ng tao na magbiyahe at kumilos—nang hindi inaamyendahan ang Saligang-Batas!


◘◘◘


Naging diktador ang lahat ng gobyerno—dahil sa panic.


Ang panic ay nagbubunsod ng serye ng maling desisyon na siyang dahilan ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya!


◘◘◘


Biglang maglalaho ang COVID, pero hindi na mabubuhay pa ang nabangkaroteng mga negosyo.


Hindi na rin mabubuhay ang mga taong namatay sa sakit dahil sa matinding stress at pagdarahop sa buhay—dahil sa lockdown!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.