Sa shooting sa Canada… KATHRYN, BINIGYAN NI ALDEN NG SINGSING
- BULGAR
- Aug 24, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 24, 2024

Tapos na pala ang shooting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Hello, Love, Again (HLA) sa Canada at baka this Saturday na ang balik nila sa Pilipinas.
Tapos na rin ang shows nina Alden, Boobay at Isko Moreno sa Canada, kaya sabay na babalik sina Kathryn at Alden.
In fairness, kahit maraming tao sa shooting, walang masyadong nag-leak na mga eksena ng dalawa.
May isyu lang sa nakitang suot na singsing nina Alden at Kathryn na ang dating sa mga fans, parang happy ending ang story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa HLA.
Sa November 13 pa ang showing ng movie, but this early, pine-pressure na ng mga netizens sina Kathryn at Alden na tapatan o kaya’y lampasan ang first day gross ng Un/Happy For You (UFY) nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Pati number of cinemas kung saan showing ang JoshLia movie, dapat daw malampasan ng movie nina Alden at Kathryn.
Hindi ba nakakaloka ang mga ganitong pangyayari? Sa halip na matuwa na bumabalik nang manood sa sinehan ang mga tao, may paligsahan pa rin pala.
Normal na ‘yung first day gross na paglabanan, pero pati ba naman number of cinemas, isyu pa rin?
Anyway, pagbalik ni Alden, balik din siya sa taping ng Pulang Araw (PA) dahil marami pa siyang eksenang gagawin. Hanggang December this year ang airing ng historical drama series ng GMA-7, kaya matagal din ang taping.
Si Kathryn naman, habang wala pang balita kung kailan sisimulan ang shooting ng movie niyang Elena, focused muna siya sa TVC shoot ng sunud-sunod niyang endorsements. Isa sa mga bago nitong endorsements ay Maggi Magic Sarap at dahil nagluluto naman ang aktres, bagay sa kanya ang produktong ine-endorse.
Pampapogi raw after ma-bash sa isyu ng marital rape… SEN. ROBIN, NAKIKISAWSAW SA AWAY NG PAMILYA YULO

Mabuti at walang nag-akusa kay Senator Robin Padilla na kumakampi sa mga magulang ni Carlos Yulo dahil sa Facebook (FB) post nito tungkol sa pamilya ng gold medalist sa gymnastics.
Sey ni Robin, “Nakausap ko ang mahal na ina at mahal na ama ng mga bayaning Yulo.
“Wala silang ninais na ibato sa mga kumukutya o humuhusga sa kanilang pamilya, ang nais lamang nila ay makapagnegosyo ng longganisa. Napakabuting mga tao, simpleng mga Pilipino. “Tunay na dugo ng mga katutubong Pilipino ang kanilang mga isip at puso ay inosente katulad ng nasambit ni Karl Yulo. Napakatamis na salita, isang pangarap na kayang-kaya n’yang abutin dahil sa kanyang sariling kakayahan. Isang inspirasyon sa kanya ang tagumpay ng kapatid na si Carlos.
“Anuman ang kanilang pinagdadaanan sa ngayon, ang tangi lang natin na maibabahagi at maging susi tayo ng pagbubuklod ng isang pamilya. Lahat tayo ay parte ng tagumpay ng mga Yulo, ito ang maiambag natin sa kanila. Maging maingay o tahimik na tagasunod.
“Sa pamilya ng mga Yulo, nasa inyo po ang aming paghanga, paggalang, at mga dasal ng kapayapaan.”
Ang ganda ng sinabi ni Robin at marami ang nag-agree sa kanya. Ang iniisyu lang sa kanya, palusot lang daw niya ang Yulo issue para bumango uli ang pangalan niya.
Remember, naging kontrobersiyal ang senador dahil sa marital rape issue at sagutan nila ni Atty. Lorna Kapunan.
Maayus-ayis na ang kondisyon ni Carla Abellana na na-confine sa Diliman Doctors Hospital dahil nakakaupo na siya sa kanyang hospital bed at nakakapagbiro na habang nanonood ng Widows’ War (WW).
Sa first day ng kanyang confinement, hiningi ni Carla kay Lord na pagalingin siya dahil she’s in so much pain daw. Sa second day niya sa hospital, nagpasalamat na nakatulog siya kahit three hours lang.
Sa third day, nakapagbiro na ang aktres. Naospital lang daw siya, ginawa na siyang killer. Ang karakter niyang si George ang prime suspect sa pagpatay kay Beverly (Bianca Manalo) sa WW.
Well, nawawala raw ang lagnat at pains niya kapag airing na ng nasabing series. Humingi rin ng dasal si Carla na pagalingin sina Rita Daniela na kasama niya sa WW at ang location manager ng series.
Nakakatuwa ang mga comments ng mga followers ni Carla sa Instagram (IG) dahil ikinokonek nila sa nangyayari sa WW na sunud-sunod ang patayan. Major characters pa naman ang dalawang unang namatay, kaya invested ang mga viewers.








Comments