top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa selebrasyon ng 2nd anniv… MAINE, IBINULGAR ANG MGA GINAWA NILA NI ARJO SA PALAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Nitz Miralles - @Bida | January 3, 2021




Napanood namin sa YouTube channel ni Maine Mendoza ang vlog ng bakasyon nila ni Arjo Atayde sa El Nido, Palawan na selebrasyon din ng second anniversary nila as a couple. Hindi lang pala sina Arjo at Maine ang pumunta ng El Nido dahil kasama nila ang pamilya at mga kaibigan ng Dubsmash Queen.


Pati dalawang pamangkin ni Maine, kasama nila sa El Nido at aliw ang eksenang tila may competition kung sino ang mauunang makaubos sa pagkain ng saging. Malaking grupo sila, kaya masaya.


Naalala namin, may nabasa kaming comment ng AlDub fans na maniniwala lang sila na magkasama sina Maine at Arjo sa El Nido kapag may video. Heto at inilabas na ni Maine ang video sa kanyang vlog, ano kaya ang masasabi ng mga ayaw maniwalang for real ang Maine at Arjo relationship?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page