Sa Round 4 ng Sexbomb reunion concert… AIRA, INIHAGIS SA STAGE, NABITAWAN NG DANCERS, SUMADSAD SA SAHIG
- BULGAR

- 4 minutes ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 9, 2026

Photo: FB Aira Bermudez-Inovero
Nag-alala ang mga fans ni Aira Bermudez ng Sexbomb Girls nang maaksidente ito sa katatapos lamang na Round 4 ng Get, Get, Aww! reunion concert nila last February 7 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.
Sa mga videos na lumabas ay makikita si Aira sa isang solo performance doing aerial dance with her back-up dancers. Ilang beses siyang binuhat sa ere at binaligtad ng kanyang mga back-up dancers. Pero sa isang bahagi ay nabitawan siya ng mga dancers at sumadsad sa sahig.
Na-shocked at nagsigawan ang audience habang si Aira naman ay parang walang nangyari at nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw. Nag-viral agad sa social media ang video at nagpahayag ng pag-aalala ang kanyang mga fans.
“Get well soon, Sexbomb Aira. Sobrang galing ninyong lahat. Walang tapon ang concert. Sobrang sulit, pero sana ayos ka lang,” caption ng fan sa nag-post ng video.
Marami rin ang nagpayo sa kanya na magpagaling muna at i-prioritize ang kanyang health.
Kahapon ay nag-post si Aira sa kanyang Facebook (FB) at siniguro sa mga fans na okay lang siya.
“Keep moving forward,” simula niya.
Kasunod nito ay ini-assure rin niya ang mga fans na babangon siya at lalaban sa Round 5 ng concert.
“Bumagsak man ako kagabi at naaksidente, babangon at lalaban tayo ngayon.
“I’m okay, nothing serious happened and I’m ready. The show must go on. See you later,” saad ng dancer.
Diin pa niya, “‘Di ako pinalaki ng Sexbomb para bumawi, pinalaki ako para lumaban.”
Nagbahagi rin siya ng mga larawan ng kanyang intense performance kung saan ay nakatanggap siya ng maraming suporta at papuri.
“Grabe ang hiyaw namin kagabi nu’ng bumagsak ka. Salamat naman at walang serious injury. Dancing warrior ka talaga, Aira,” saad ng isang supporter.
“Thank God kahit ‘wag ka na lang magpahagis mamaya kasi delikado, nakakakaba. Okey na ‘yung hataw na hataw ka sumayaw,” komento naman ng isa pa.
“‘Yan ang tunay na pinalaki ng Sexbomb, palaban at tunay na mandirigma,” hirit ng isa pang fan.
Ang leader ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan ay nag-post din tungkol sa nangyaring aksidente at siniguro ring tuloy ang Round 5 ng concert.
“‘Di maiiwasan ang aksidente. Oo, may flaws. Oo, may bumagsak. Pero Sexbomb kami. Babangon at babangon kami. Walang atrasan. Hinding-hindi babawi, kahit mano-mano. Round 5, Fight!” pahayag ni Rochelle.
Kagabi, February 8 ay ginanap ang Round 5 ng Sexbomb reunion concert.
Todo-asang gugulatin mo, Khalil…
GABBI, FAIRYTALE PROPOSAL ANG GUSTO
INAMIN ni Gabbi Garcia na napakarami niyang calls and messages na natanggap na nagtatanong kung kasal na ba sila ng long-time boyfriend na si Khalil Ramos.
Ito ay matapos ma-release last January ang music video ng Ben&Ben na Duyan kung saan makikita ang wedding scene nina Gabbi at Khalil. Akala ng marami ay totoong kasal na ang naganap sa magdyowa.
Sa guesting ni Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kasama ang mga co-stars sa 2016 Encantadia na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Glaiza de Castro, sinabi ng aktres na may default reply na raw siya para sa lahat ng nagtatanong.
“Copy-paste na ‘yung reply ko kasi sobrang daming nag-message sa amin ni Khalil na parang, ‘No guys, it’s for our music video, it’s for our friends, Ben&Ben.’ I know, we’re sorry if you guys were surprised, but it’s really for a music video,’” sey ni Gabbi.
Natanong ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ni Khalil ang kasal at aniya, “Oo naman, Tito Boy, lagi naman, kasi nine years na rin kami, so I think du’n naman din talaga papunta.”
Hindi naman daw siya napapagod sa kasasagot kapag may nagtatanong kung kailan ang kasal.
“I’m happy that they’re asking because it gives off na parang, ‘Ay, itong dalawang ‘to, du’n talaga papunta,’” saad ng dalaga.
Pagdating naman sa proposal, ayon kay Gabbi, siyempre ay gusto niyang ma-surprise tulad din ng ibang girls.
“I wanna have my fairytale proposal,” masayang sambit niya.
Well, abangan natin.








Comments