top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Sa relasyon nila ni Kaila… “WE JUST ARE” — DANIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 44 minutes ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 31, 2026



WINNER - “WE JUST ARE” - DANIEL_IG Daniel Padilla

Photo: IG Daniel Padilla



Lalong umiigting ang relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada. Mas madalas na rin ang pagpo-post ng aktor sa social media ng mga ganap nila.


Sa latest Instagram (IG) post ni Daniel, nagbahagi siya ng serye ng larawan tungkol sa kanyang love life.


Kasama sa mga larawan ang kanyang kapatid na si Maggie Ford at si Kaila Estrada na makikitang mag-isa sa golf cart.


Caption niya, “There are no ifs, woulds, coulds, shoulds. It’s just is. And we just are.”

Iba’t ibang interpretasyon naman ang ibinigay ng mga netizens sa naturang post.

Sey ng mga netizens…


“Yung ‘we just are’ ba ang bagong tawag sa walang label?”

“New word: WE JUST ARE. Love it.”

“Basta sila nga raw.”

Tama.





Mag-iingat na raw sila ng GF next time…

YASSER, NASABON SA PAG-AMOY SA KILIKILI NI ROBB IN PUBLIC, NATAUHAN



All’s well sa pagitan ni Yasser Marta at ng host na si Jobert Sucaldito. Mismong si Yasser ang nagkuwento ng kanilang pagkakaayos.


Nagkaroon ng ‘sagutan’ sa social media sina Yasser at Jobert matapos punahin ng huli ang pagpo-post ng aktor ng mga larawan nila ni Robb Guinto habang inaamoy ang kilikili ng kanyang girlfriend.


Sa ginanap na appreciation dinner at awarding of trophies para sa mga nanalo sa 8th Sinag Maynila Film Festival (SMFF), masayang ibinahagi ni Yasser na nagkaayos na sila ni Kuya Jobert.


“Ang alam ko, kinausap din ako ng management ko. Humingi ako ng sorry, at nag-sorry naman po talaga ako,” pagbabahagi ni Yasser.


Nag-sorry si Yasser kay Jobert sa pamamagitan ng text message, ngunit hindi ito sinagot ng huli.


Kinumpirma ito ni Kuya Jobert nang magpadala kami ng private message sa Facebook (FB).


“Nag-text nga s’ya to apologize pero ‘di ko sinagot. Okey na ‘yun,” pahayag ni Jobert.

Ayon naman kay Yasser, “Para sa akin po, siguro wala lang sa tamang timing ang mga nangyari. Nasa labas ako nu’n, nasa initan, kaya ‘di ko rin na-handle nang maayos.”

Dagdag pa niya, mas mag-iingat na sila ni Robb sa pagpapakita ng kanilang emosyon sa publiko.


“Wala nang amuyan ng kilikili? Meron pa rin. Pero mas magiging careful na lang kami sa mga actions namin,” ani Yasser.


Pinayuhan din siya ng kanyang management.


“‘Di po talaga tamang gawin ng isang public figure ang ganu’ng bagay. Kaya natauhan din ako. May nagsasabi rin na wala raw accountability ang kabataan ngayon, pero alam ko na may mali rin kami at inaako ko ang lahat ng mga posts at comments ko,” dagdag niya.


Tuwang-tuwa naman si Yasser nang tanggapin ang kanyang trophy bilang Best Supporting Actor sa 8th Sinag Maynila para sa pelikulang Desperada.


“This is my first acting award. Mas nabubuhay ‘yung fire ko sa craft. Mas gusto ko pang gumawa ng maraming pelikula at ipakita ang talento natin, ‘di lang sa lokal kundi maging sa international, hopefully someday,” pahayag niya.


Aminado rin siyang gabi-gabi niyang iniisip ang kanyang tropeo.

“Iniisip ko pa nga po. Gusto ko gumawa ng cabinet kung saan ilalagay ko ang mga awards ko,” pagbubunyag ni Yasser.


Samantala, inanunsiyo ng Sinag Maynila na tatanggap na sila ng entries para sa susunod na film festival.


Ang mga founder ng Sinag Maynila ay sina Solar Studios CEO Wilson Tieng at Cannes Best Director Brillante Mendoza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page