Sa rambulan sa bar… ELLEN: WA' AKONG PAKI KAY AWRA
- BULGAR
- Jul 5, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 5, 2023

Ang dami naming tawa kay Ellen Adarna nang sagutin niya ang tanong ng isang netizen sa Instagram kung ano ang masasabi niya sa nangyari kay Awra Briguela.
Eksaktong tanong sa kanya (in Bisaya), “Unsa imong ma say about what happened to Awra?”
Sagot ni Ellen, “Lately day, sa labas, I think, this month, wala akong aura, wala akong rampa.
Kahit na gabi na. Wala akong aura at all. Lutang. Maybe next month. I’ve been busy this month, so, wala, haggard. Zero aura, zero rampa.”
Obviously, ang akala niyang “Awra” na tinatanong sa kanya ay “aura” at mukhang hindi niya kilala si Awra.
Maya-maya, may isang netizen na nagsabi sa kanya ng, “I think the question was about Awra Briguela, Ate Ellen.” At saka niya ito nasagot nang tama.
Ayon kay Ellen, hindi raw niya alam ang issue at hindi siya interesado.
“I don’t really know and it’s not my business. I’m not interested. I don’t follow showbiz, tabloid, tsika-tsika,” aniya.
Sey pa niya, matagal na raw siyang hindi nagbabasa ng mga showbiz news to keep her peace.
“I don’t know Awra. This is my kind of aura now,” sey pa niya sabay-hawak sa kanyang face.
Hahaha! ‘Kaaliw itong si Ellen.





Comments