top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa propaganda lang 'magaling' ang Duterte gov't.

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 19, 2021



DUTERTE GOV'T., DAPAT MAGPOKUS SA CRISIS MANAGEMENT HINDI SA PROPAGANDA--Sabi ni dating IATF (Inter-Agency Task Force) Adviser Dr. Tony Leachon, imbes na pagtuunan ng pansin ang krisis, propaganda umano ang inaatupag ng Duterte gov't. sa tugon sa mga problemang dulot ng COVID-19.


'Yan umano ang hilig ng gobyerno kaya hindi gaanong napagtuunan nang pansin ang laban sa COVID-19 na nagdulot kaya maraming tinamaan at namatay sa coronavirus, period!


◘◘◘


WALANG PATOL SA MGA ORGANIZERS NG 'COMMUNITY PANTRY' ANG PAPURI NI ROQUE--Pinapurihan ni Presidential spokesman Harry Roque ang mga naglunsad ng "community pantry" na may temang "Magbigay Ayon sa Kakayahan at Kumuha Batay sa Pangangailangan" na may kaugnayan sa mga pagkain at iba pang pangangailangan na inilalagay sa isang lugar para sa mga kapuspalad nating kababayan ngayong panahon ng pandemyang COVID-19.


Ang papuring 'yan ni Roque ay walang patol sa mga organizers ng "community pantry" at sa halip, pinasaringan pa ang Duterte gov't. kasi inaction o wala kasing aksiyon ang pamahalaan sa mga nagugutom na kababayan, at kung may ibigay naman daw na ayuda ay kapos, kaya't naisip nilang maglunsad ng "community pantry," na kung tutuusin, dapat gobyerno ang kumakalingan sa nagugutom na mamamayan, boom!


◘◘◘


KAPAG PINOY ANG NAGSAGAWA NG ILLEGAL NA PANGINGISDA HULI AGAD, KAPAG CHINESE DEDMA LANG--Dinakip ng mga awtorifad ang mga mangingisdang lulan ng limang fishing vessels na illegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Malay, Aklan.


Paglilinaw lang sa publiko, hindi mangingisdang Chinese ang hinuli ng mga Philippine gov't. forces, kundi mangingisdang Pinoy.


'Yan ang malungkot na katotohanang nangyayari sa Pilipinas ngayon, na kapag mga mangingisdang Pinoy ang nagsagawa ng illegal na pangingisda sa dagat ng Pilipinas, huli agad, pero kapag mga mangingisdang Chinese, dedma lang, mga buwisit!


◘◘◘


SA GITNA NG PANDEMYA, TULOY PA RIN ANG SMUGGLING SA CUSTOMS--Nang pairalin ang MECQ (Modefied Enhance Community Quarantine), agad nagbalik sa kanilang smuggling activities sina "Kimberly", "Big Mama" at "Tina U" sa Bureau of Customs.


Patunay 'yan na sa gitna ng pandemyang COVID-19, tuloy pa rin ang raket ng tatlong bebot na ismagler na ito sa Customs, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page