top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa PMA sa Baguio gagawin… JUDAY, IZA AT ANGEL, JOIN SA KASAL NI HIDILYN DIAZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 22, 2022




Sa July 26 na ang kasal ni Hidilyn Diaz sa kanyang coach boyfriend na si Julius Naranjo sa Philippine Military Academy sa Baguio City.


May mga invited guests na artista ang dalawang kilalang personalidad kaya inaasahang magiging star-studded ang kasal ng Olympic weightlifter na si Hidilyn at fiancé na si Julius.


Pinangalanan nina Hidilyn at Julius ang mga artistang dadalo sa kanilang kasal at kabilang sa kanilang entourage ang mga aktres na sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Iza Calzado.


"Kasi siyempre, naghahanap tayo ng inspiration, eh, sa wedding, sa marriage," paliwanag niya kung bakit ang tatlong aktres ang napili niyang imbitahan.


Si Judy Ann ay mahigit 13 taon nang kasal sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo, habang si Iza naman ay tatlong taon nang kasal sa kanyang mister na si Ben Wintle.


Samantala, ikinasal naman si Angel sa kanyang asawang si Neil Arce noon lamang 2021.


Dagdag ni Hidilyn, bukod sa mga artistang ito ay imbitado rin sa kanilang kasal ang newscaster na si Atom Araullo at mang-aawit na si Arman Ferrer.


Eksakto isang taon na nang manalo si Hidilyn ng Gold medal sa Tokyo Olympic para sa weightlifting.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page