top of page

Sa piktyur nila ni Arjo sa beach… MAINE, TINAWAG NA MUKHANG BOKSINGERA SA LAKI NG BRASO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 24, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 24, 2022


ree

Pinagdudahan ng ilang AlDub fans ang ipinost na photo ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram kasama ang boyfriend na si Arjo Atayde. Hindi raw si Maine ang nasa litrato, edited daw 'yun dahil malalaki ang braso nito sa larawan na para itong boksingera. Parang braso raw ng lalaki ang nasa litrato.


May nag-comment naman na ipinatong lang ang ulo ni Maine sa katawan nito sa litrato. May nagsabi pang hindi hawak ni Maine ang Instagram account niya, iba ang may hawak at ang fake Maine na ito ang nagpo-post ng photos nila ni Arjo.


Pero, mas marami ang naniniwalang legit ang pictures, kaya inulan ng congratulations ang dalawa na nag-celebrate pala ng kanilang third anniversary. Kaya pala ang caption ni Maine sa photo nila ni Arjo na nasa beach at may hawak na drinks ay “To more coladas, laughs, and sunsets with you.”


Kabilang sa mga nag-congratulate sa kanila sina Maja Salvador, Jake Cuenca, Miles Ocampo, Liz Uy at maraming ArMaine fans.


Wish nilang maging forever ang relasyon nina Arjo at Maine at mauwi sa kasalan ang dalawa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page