Sa Paris pa nag-shoot… XIAN, NAG-MODEL NG NEGOSYONG BAG NI KIM
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 7, 2023

Pinatunayan na naman ni Xian Lim ang kanyang pagiging supportive boyfriend nang mag-model siya ng bag na negosyo ni Kim Chiu.
Ipinost ni Kim ang mga larawan ni Xian na gamit ang bag na kanyang itinitinda. And take note, sa Paris pa sila nag-pictorial nang magbakasyon sila roon nitong nakaraang December.
“Permission to post from dapper @xianlimm wearing @houseoflittlebunny.ph bag. THE LETTER in black, 12 colors left on this design, made with genuine leather. The quality is just 100% extruhhh!,” bahagi ng caption ni Kim.
Nagpasalamat ang aktres sa boyfie at nagbiro na babayaran daw niya ng pagmamahal ang pagmo-model ni Xi.
“Huge Thank you Xi! Hihihi. Suklian ko na lang ng pagmamahal pag-model mo sa bags ko!
Haha!” aniya.
Sa comment section ay humirit pa si Kim at nagkomentong “@xianlimm you’re the best human ever!!!!!!!”
As expected, kinilig na naman ang KimXi fans sa post ni Kim.
“Kilig naman nang suklian ng pagmamahal@xianlimm inaantay ko palagi vlog n'yo sa YouTube,” komento ng isang follower.
“Grabe, sana all! 'Yung bag, puwedeng ma-order, pero 'yung model, hindi ma-order/ joke,” sabi naman ng isa pang IG user.
“Love ka talaga ni Xian for him to model your bags,” reaksiyon naman ng isa pang netizen.
“Ang suwerte mo naman, Kim. Napakabait ng BF mo, sana, kayo na forever,” comment ng isa pang follower.





Comments