top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa papel na lang daw talaga kasal… KYLIE, 'DI NA MASIKMURANG MAKASAMA PA SI ALJUR

BULGAR
May 30, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 30, 2022



Inaabangan na ngayong Lunes at 8:50 PM ang world premiere ng Bolera na comeback project ni Kylie Padilla sa GMA-7. Ipinost ni Kylie sa kanyang Instagram ang trailer ng first sportserye ng Kapuso Network at mababasa ang comment na lahat ay excited na muling mapanood si Kylie.


Ang dami ring nagko-congratulate kay Kylie at lahat ay masaya para sa kanya. Unlike Kylie na inisip na hindi na siya makababalik sa showbiz, ang kanyang mga fans ay hindi nawalan ng pag-asa. Heto nga at ang next request nila sa GMA-7, sa susunod, sina Kylie at Ruru Madrid naman daw ang pagtambalin.


Dito muna tayo sa Bolera na ayon pa kay Kylie, sinabi pa lang sa kanya ang project, na-in love na siya sa story at sa kanyang karakter. Kung ang mga naunang ipinitch sa kanyang project ay hindi niya type, itong Bolera, oo agad siya.


“Sobrang proud ako sa show na ito, naiyak nga ako nang una kong mapanood ang full trailer. Sobra ring minahal ko ang buong cast, pati crew, ang story at ang karakter kong si Joni. I’m so happy ito ang comeback project ko. Nakatulong ang training ko sa martial arts para magawa ang Bolera. Hindi ako masyadong nape-pressure dahil alam kong maganda ang show namin,” sabi ni Kylie.


Walang naging problema si Kylie kina Jak Roberto at Rayver Cruz na parehong love interest niya sa series dahil mabilis silang nag-jive. Naging maganda rin ang working relationship ni Kylie kina Jaclyn Jose, Joey Marquez, Gardo Versoza at iba pang cast, kaya nalungkot siya nang sila’y mag-pack-up.


Curious ang mga fans kung panonoorin ba ni Aljur Abrenica ang Bolera. Siguro, sisilip ito paminsan-minsan dahil busy din ito.


Sa interview kay Kylie ni Nelson Canlas sa vlog nito, nabanggit ng aktres na ramdam niyang malabo na ang marriage nila ni Aljur at kahit magkasama pa sila, she felt “really alone."


"Ang sakit na, eh. Siyempre, as a mom, ayaw mo namang mangyari, it’s not something that you wish will happen. Ayaw mo ng mag-isa talaga, but sometimes maybe you need to do that to find your inner strength at magkaroon kami ng respeto outside of being a married couple. Ang hirap kasi kasal kayo and it’s only on paper na and you’re only forced to meet there, you don’t want to be together, parang ganu’n.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page