top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa pandemya dapat nakapokus si P-Duterte, hindi sa pamumulitika

BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 07, 2022


MAS POKUS ANG PANGULO SA PAMUMULITIKA KAYSA SOLUSYUNAN ANG PANDEMYA—Sa muling pagharap ni P-Duterte sa mamamayan, inakala ng lahat na isasapubliko nito ang mga gagawin ng kanyang pamahalaan para mapigilan ang pananalasa ng Omicron variant sa Pilipinas, pero ‘yun pala ay “ire-replay” lang niya ang unang sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, na bawal lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado, at pagkaraan ay mas mahabang oras na ang iginugol ng pangulo sa panawagan sa mamamayan na huwag iboto sina vice-presidential candidate, Sen. Kiko Pangilinan at re-electionist Sen. Richard Gordon.


Hay naku, kailan pa matatapos ang pagdurusa ng mamamayan sa COVID-19 kung ang palaging nasa utak ng pangulo ay pamumulitika, pwe!


◘◘◘


P-DIGONG, TODO-BANAT KAY SEN. KIKO PARA IKAMPANYA ANG ANAK—Sabi ni P-Duterte, ‘wag iboto si Sen. Kiko dahil palpak ang batas nitong ‘Juvenile Justice and Welfare Act of 2006’ na nagbibigay-proteksiyon sa mga batang lumabag sa batas.


Bagama’t walang binanggit si P-Duterte na iboto si vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio, parang ganun na rin ang nangyari kasi ipinanawagan nitong huwag iboto si Sen. Kiko na isa sa mga kalaban niya sa pagka-VP, boom!


◘◘◘


FAKE NEWS ANG BANAT NI P-DUTERTE NA HINDI IKUKULONG ANG MGA BATANG NAKAGAWA NG KRIMEN—Fake news ang tirada ni P-Duterte na walang kulong ang mga batang nakagagawa ng krimen sa batas ni Sen. Kiko na “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” kasi ang totoong nakasaad sa batas ay huwag sampahan ng kasong kriminal ang batang gumawa ng labag sa batas dahil wala pa ito sa hustong pag-iisip kaya nakagawa ng krimen, pero ikulong ito ng isang taon sa mga rehab center.


Malinaw, may kulong, kaya ‘yung sinabi ni P-Duterte na “walang kulong” ay fake news, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page