Sa panahon ngayon, ospital na lang ang kumikita, period!

ni Ka Ambo - @Bistado | November 3, 2020
Undas kahapon pero kinansel.
Linsiyak!
◘◘◘
Daplis sa Metro Manila ang super typhoon na si Rolly.
Salamat kay Lord!
◘◘◘
Napinsala nang malaki ang Catanduanes at Albay.
Paano kung naubos na ang calamity fund?
◘◘◘
Kabit ni Rolly ang Bagyong Siony.
Ayaw talagang tantanan ang mga Pinoy!
◘◘◘
Sem break sa private school.
Wala lang, ganun din sa bahay lang!
◘◘◘
Nagsarado ang maraming negosyo.
May pumalit na bagong negosyo sa nagsaradong tindahan.
Lugi rin, sarado ulit!
◘◘◘
Kung balak mong magnegosyo—handa ka ba magpakalugi sa loob ng 6 buwang singkad?
Walang kustomer dahil hindi naglalamyerda ang mga tao!
◘◘◘
Sa Australia, sinasabing maraming cash ang mga bangko—pero walang nangungutang.
Bakit mangungutang ng pangnegosyo—gayung alam mong lugi sa loob ng 6 buwan?
◘◘◘
Magsisimula nang magputol ng kontador ang Meralco at Maynilad.
Lalong maraming negosyo ang magsasarado!
◘◘◘
Nanatiling bukas at naghihingalo ang mga negosyo—nakatengga ang “disconnection”.
Pero ngayon, puwede nang magputol, tuluyan nang isasarado ang negosyo—tatakbuhan ang Maynilad, Manila Water, Meralco at mga kooperatiba!
◘◘◘
Malinaw na taghirap ang Pasko at ang buong 2021.
May mga pera ang kapitalista, pero wais ang mga ‘yan—hindi maglalabas ng capital!
◘◘◘
Bubuhayin sana ang lokal na turismo.
Pero, marami pang-tse-tse-buretshe.
Dahil d’yan, hindi pa ring maglalamyerda ang mga Pinoy!
◘◘◘
Lugi ang mga mall—magbabayad ng elektrisidad, pero walang “benta”.
Isang malungkot na eksena na ang ating henerasyon lang ang nakaranas!
◘◘◘
Halos walang negosyo na nagkiklik, maliban ang mga ospital.
Tumatabo ang mga ospital na nagkukunwaring naglulugi!





Comments