top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa pagtakbo uli ng anak sa 2028… “IT’S LUCKY’S DECISION” — GOV. VILMA

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
2 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | September 23, 2026



FRANKLY - “IT’S LUCKY’S DECISION” – GOV. VILMA_IG _luckymanzano

Photo: IG _luckymanzano



Ipinauubaya ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa anak na si Luis Manzano ang pagdedesisyon kung tatakbo ba itong muli sa susunod na eleksiyon.


Matatandaang tumakbo ang TV host bilang vice-governor ng Batangas noong 2025 midterm elections, but unfortunately ay hindi nga ito pinalad na manalo.


Sa panayam kay Ate Vi sa Ogie Diaz Showbiz Update ay natanong siya kung papayagan ba niyang tumakbong muli si Lucky sa 2028 elections.


“Ang isasagot ko naman, it’s not my decision, it’s Lucky’s decision,” sey ng gobernadora ng Batangas.


Pero sa nakikita raw niya kay Luis ay hayaan na raw munang mag-enjoy ang anak sa pagiging isang ama at sa career nito as TV host.


“The way things are going, let him enjoy his life as a father and as the best host,” aniya.

Matatandaan ding nasabi na noon pa ni Luis na bagama’t hindi siya pinalad na magwagi ay hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang pinto sa pulitika at patuloy pa rin siyang tutulong sa mga Batangueño kahit wala siya sa posisyon.





Join sana, kinansela… 

VMX BABES, OUT SA REUNION CONCERT NG VIVA HOT BABES



KINUMPIRMA ng VMX (Vivamax) Babes member na si Zsara Laxamana na hindi na matutuloy ang guesting ng grupo nila sa Bulaklak reunion concert ng Viva Hot Babes.


Sa mediacon ng Masahe, sinabi ng sexy actress na mismong ang mga ‘ate’ raw niya sa Viva Hot Babes ang umayaw sa kanilang guesting.


“Actually po, ang pagkakaalam ko po, ang sabi po ni Boss Vic (del Rosario, Viva’s big boss) sa amin, magge-guest po talaga dapat kami, pero parang kinansel po ata ng mga ate, ‘di ko lang po sure,” sey ni Zsara.


“Pero okay lang naman po, pupunta pa rin naman po kami para mag-support sa kanila or baka magbago ‘yung isip po nila. Okay lang naman po sa amin, since idol po namin ang mga ate,” dagdag pa niya.


Aminado naman si Zsara na nalungkot din siya nang malamang na-cancel ang guesting nila sa reunion concert.


“Ayoko naman pong magpakaipokrita, na-sad po talaga ako, lalo na ‘yung mga kasamahan ko po sa VMX Babes kasi excited nga po kami na ma-meet po talaga ang mga ate. ‘Yun naman po talaga ‘yung sa ‘min.


“Eh, ‘di naman po namin makokontrol kung ano po ‘yung nararamdaman nila kasi bina-validate rin po namin ‘yung feelings nila. ‘Yun po.


“Sad lang po, but we’re very happy and proud po sa mga ate,” sey pa ni Zsara.


Sinabi rin niya na na-meet na niya ang ilan sa mga miyembro ng Viva Hot Babes recently habang nagre-rehearse ang mga ito at okay naman daw sila.


Samantala, sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr., nagsimula nang mapanood ang Masahe sa VMX streaming platform. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page