top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Sa pagtakas ni Bato — CIDG... Robin, kakasuhan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 28, 2026



Robin Padilla - Senate of the Philippines

Photo: Robin Padilla - Senate of the Philippines



Nakatakdang sampahan ng kasong Obstruction of Justice si Senador Robinhood Padilla kaugnay sa umano'y pagtakas ng kaibigang si Senador Ronald 'Bato' dela Rosa na may arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).


Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na matapos ang masusing imbestigasyon, napag-alaman nilang hindi simpleng pakikisakay lamang sa sasakyan ni Padilla ang nangyari kundi isang “maingat na pinagplanuhan at pakikisabwat” nang sikreto para mailabas ng Senado si Dela Rosa noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026.


Ayon sa CIDG, magsasampa sila ng reklamo para sa paglabag sa Presidential Decree No. 1829 o Obstruction of Justice laban kay Padilla at sa iba pang mga taong tumulong umano sa pagtakas ni Dela Rosa.


Ihahain ang reklamo sa National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ).


Nauna nang iginiit ni Padilla na simpleng “nakisakay” lamang si Dela Rosa sa kanyang sasakyan at ibinaba niya ito sa Makati City nang hindi niya alam kung saan tutungo pagkatapos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page