Sa pagkamatay ng ina… LOTLOT, DAPAT MANGIBABAW ANG PAGMAMAHALAN SA PAMILYA

ni Vinia VIvar @Frankly | November 15, 2026

Photo: IG _ms.lotlotdeleon
Aminado si Lotlot de Leon na in a way ay naka-relate siya sa kuwento ng upcoming family drama movie niya na 40 Days na tungkol sa pagyao ng minamahal sa buhay at pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng pamilyang naiwan.
Ayon sa aktres sa grand presscon ng naturang pelikula na ginanap last Friday sa Super Sam Restaurant, nababasa at naririnig niya na raw ang ganitong kuwento tungkol sa pag-aaway ng magkakapatid after a loved one’s death pero hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanya sa totoong buhay.
“Actually, if I’m going to be honest, ang dami kong nababasa na ganu’ng istorya, napapanood, and ‘yun nga, if I’m going to be honest, I never thought that this could happen to me also. So nagpapakatotoo lang ako,” saad ni Balot.
“It’s actually sad, nakakalungkot. But s’yempre, iba naman ‘yung karakter ko rito, but just the same, I think, when you watch this movie, you’ll also realize that at the end of the day, dapat nangingibabaw is ‘yung pagmamahalan at pag-uunawaan.
“Kasi that’s when you need each other most, when you lose someone you love lalo na kung parent, kagaya ng dito sa istorya,” dagdag pa niya.
Umiikot kasi ang kuwento ng pelikula sa pagkamatay ni Dolores Castro o ‘Lola Ganda’ (Perla Bautista), ang 89-taong-gulang na haligi ng pamilya Castro na may sakit na dementia.
Habang hinihintay ang 40 days ng yumaong lola, napilitang magsama-sama sa kanilang lumang ancestral house ang magkakapatid na sina Rita (Dina Bonnevie), Teresa (Elizabeth Oropesa), at Luna (Lotlot) kasama ang iba pang kaanak.
At dito na nga lumutang ang mga lumang sugat at samaan ng loob ng magkakapamilya.
In real life, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan si Lotlot at kapatid na si Ian de Leon matapos ang pagpanaw ng kanilang inang si Superstar Nora Aunor.
Samantala, inamin naman ng direktor na si Louie Ignacio na personal na karanasan ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kuwento ng pelikula.
Ang kanyang yumaong ina, na pumanaw matapos magkaroon ng dementia, ang naging sentro ng inspirasyon niya sa paggawa ng 40 Days.
Firsthand niyang naranasan ang sakit na makita ang isang mahal sa buhay na unti-unting nawawalan ng alaala.
Produced by LVD Management Corp., tampok din sa pelikula sina Snooky Serna, Lloyd Samartino, at mga promising young artists na sina Diego Gutierrez, Damian Efergan, Franchezca Albo, Jayson David, at Yvone Asher.
Mapapanood ang 40 Days sa mga sinehan simula December 9.
TWO-IN-ONE ang saya sa panonood ng maaksiyong engkuwentro ni Coco Martin sa Sigabo dahil tampok din sa serye ang mga mahalagang aral tungkol sa iba’t ibang napapanahong isyu.
Tampok sa serye ang paghahatid ng kamalayan tungkol sa isyu ng pambubudol matapos tulungan ni Gabo (Coco) si Lola Anita (Gina) nang maloko ito sa isang investment scam kapalit ng malaking halaga ng pera.
Isa ito sa mga isyung tinatalakay sa serye kabilang ang naunang misyon ni Gabo na tungkol naman sa sindikato ng human trafficking sa mga kababaihan. Mas marami pang kapana-panabik na misyon kontra-krimen ang dapat abangan kay Gabo bilang undercover taxi driver dahil ibibida niya ang mas maangas na super taxi na may kakaibang high-tech at bulletproof powers na tutulong sa kanya sa bakbakan.
Bida rin ang pekeng misis ni Gabo na si Gloria (Julia) sa kanyang tuluy-tuloy na pagtulong sa komunidad ng Ginintuang Lupa kung saan tutok naman siya sa pagligtas sa mga asong na-kidnap.
Napapanood ang Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. Umeere rin ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.





Comments