top of page
Search
  • BULGAR

Sa pagkakasakit ng ex-BFF na si Kris… “I HOPE GUMALING NA SIYA, GOD BLESS HER” — AI AI

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 13, 2022



Nag-react si Ai Ai delas Alas sa Instagram account niya nu’ng kunin ang reaksiyon niya tungkol sa pinagdaraanang karamdaman ni Kris Aquino.


Knows naman ng publiko na nagkaroon ng “falling-out” ang dating mag-BFF na sina Ai Ai at Kris. But up to now, walang balita na nagkaayos na ang ex-BFFs.


Tinanong ng netizen kay Ai Ai, “Makiki-Marites habang 'di busy, ano po masasabi n'yo, Ms. Ai sa pagkakasakit ni Kris na dati mong friendship?”


Reply ni Ai Ai, “I hope gumaling na siya…God bless her.”


May mga natuwa sa reply ni Ai Ai.


“It only goes to show that the Comedy Queen is a kind-hearted person. So excited to see you doing drama series on TV.”


At the same time, may ibang netizens ang nagdududa naman sa pag-reply ni Ai Ai. Pero ang ilan ay nanghihinayang sa pagkakasira ng friendship nina Ai Ai at Kris.


“Nanghinayang talaga ako sa friendship nila but for sure, genuine naman si Ai Ai for wishing her well.”


“Si Ai Ai, maka-Cory Aquino 'yan. Talagang sumama 'yan sa People Power.”


“So sad sa nangyari sa friendship nila. Nagtampo si Ai Ai bec. 'di nakadalo si Kris sa libing ng nanay ni Ai Ai, eh, that time, nasa bakasyon si Kris kasama anak niya.”


Isa si Ai Ai sa mga celebrities na binasahan ng kapalaran ni Maestro Honorio Ong sa live episode ng online show ng BULGAR sa Facebook hosted by Ateng Janiz Navida and yours truly, ang #CelebrityBTS BULGARAN NA kahapon, Saturday.


Ayon kay Maestro Honorio, Mars daw ang ruling planet ni Ai Ai based on the number ng pinagsama-samang corresponding numbers ng birth date ng komedyana.


Isa sa mga characteristics daw under the planet Mars ay tipong kapag may kaaway siya, matagal daw silang makalimot at magpatawad.


Pero sa pagkakakilala ng maraming taga-showbiz kay Ai Ai, isa siya sa most generous at pinakamalambot ang puso.


Trew!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page