Sa pagbubukas sa Sept. 13… WILLIE AT AMBS, MAMIMIGAY NG HOUSE AND LOT AT BIG CASH PRIZES
ni Nitz Miralles - @Bida | September 9, 2022

Hindi na pala babaguhin ni Willie Revillame ang title ng kanyang show gaya ng nakagawian niya noon kapag lumilipat siya ng ibang network. Wowowin ang title ng show ni Willie sa GMA-7 at ‘yun din ang title ng show niya sa AllTV o Advanced Media Broadcasting System kapag bumalik na sa ere this September 13.
Ang nabago lang ay ang time slot dahil kung sa GMA-7, 5 PM ang airing ng kanyang show, sa AllTV ng AMBS, 7 PM na ito mapapanood.
Ibig sabihin, hindi sila magkakatapat ni Dingdong Dantes na ang hino-host na Family Feud ang pumalit sa Wowowin. Ang makakatapat ng show ni Willie ay newscast.
Sa September 13, 12 NN ang official launching ng AllTV at in-announce ni Willie na may makakasama siyang “surprise stars” at magugulat daw ang mga viewers kung sino sila.
Marami ring invited performers kabilang ang Southborder.
Kasama rin sa in-announce ni Willie last Monday sa kanyang online show ang big prizes na ipamimigay sa launching ng network ni former Senator Manny Villar. May two brand new houses, two P25,000 cash prizes every 30 minutes.
Ang Wowowin naman, sa Spin a Win segment, P50,000 na ang mapapanalunan na ibibigay every 30 minutes at may house and lot pa.
Sabi ni Willie, “Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, makapagbigay ng pag-asa at makapagbigay ng big time papremyo. Magugulat pa kayo kung sino ang makakasama natin dito. Abangan n'yo po ‘yan.”
Nabanggit din ni Willie na gusto ni Manny Villar na humabol sila sa Pasko at gusto rin nito, araw-araw ay Pasko kaya pang-Kapaskuhan ang naglalakihang papremyo.





Comments