top of page

Sa ordinaryong pasyente, bawal… KRIS, PINAPAYAGAN NG MGA DOK NA I-VIDEO ANG LABAN SA SAKIT, VIP DAW SA OSPITAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 27, 2026



BIDA - KRIS, PINAPAYAGAN NG MGA DOK NA I-VIDEO ANG LABAN SA SAKIT, VIP DAW SA OSPITAL_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Sinagot ni Kris Aquino ang open letter ng isang netizen na nagtanong kung paanong pinapayagan ng ospital ang aktres na maidokumento ang tinawag nitong paglalakbay niya sa paglaban sa kanyang sakit sa pamamagitan ng camera.


Ayon sa netizen, “Sana’y maibahagi rin ang kaparehong pribilehiyo sa mga taong tulad niya, mga indibidwal na dumaraan sa parehong laban, kahit hindi man pare-pareho ang iniindang karamdaman ngunit hindi kilalang personalidad sa mata ng publiko.”

Patuloy nito, “Kung nauunawaan n’yo po ang aking tinutukoy, naniniwala akong mauunawaan n’yo rin ang puntong nais kong iparating.


“Ito ay isang personal na paglalakbay, ‘di lamang ng mismong indibidwal, kundi pati ng mga taong malalapit sa kanya, na kapwa-lumalaban at umaasa para sa buhay.


“Ang paggalang sa ganitong uri ng paglalakbay sa anyo ng pahintulot, pag-unawa, at makataong konsiderasyon ay hindi dapat maging pribilehiyong nakalaan lamang sa iilan, kundi karapatang maipadama sa lahat, kilala man o hindi.”


Sagot ni Kris, “I’m sorry you feel that I am being given a ‘special’ privilege. I have been careful, sharing only my experiences and always thanking everyone who was kind to me. I have never been critical and I know I have raised awareness about autoimmune diseases.

“Isipin mo na lang, masaya ba na napakadalas mabalita ng fake news na patay na ako o ‘yung paborito nila na may kumulas o kumukulam sa akin. I always tell my doctors that we’ll take some shots and some of the photos and videos here came from them.”


Marami ang pumapabor na manggaling mismo kay Kris ang update sa kanyang kalusugan. Gaya ng isang nagsabi, “God permits, do what you want to do in relation to your health status. You are brave, and God loves you.”


Pabor din ang lahat sa planong podcast ni Kris Aquino at waiting na sila na muling marinig ang boses niya at makita siyang nag-i-interview at hindi nakahiga sa hospital bed. 


Go, go, #BraveKris!



TAMA ba ang mga fans ni Barbie Forteza na ang unang reaksiyon niya sa babala o hula ni Rudy Baldwin na dalawang beses siyang mag-aasawa ay “Sabiii?” 


Tiyak ding curious si Barbie kung sino ang dalawa niyang mapapangasawa at ano ang dahilan kung bakit twice ito.


Nauna na ang mga fans sa panghuhula dahil paniwala nila, sina Jak Roberto at Jameson Blake ang dalawang mapapangasawa niya. Kung paano ito mangyayari, abangan natin dahil si Jak ay ex niya at si Jameson naman ay mabilis naudlot kung anuman ang namagitan sa kanila.


Kasama sa hula na pagkatapos ng dalawang failed marriages ay makikita na ni Barbie ang kanyang true love. Siguradong gustong malaman ni Barbie kung sino ito at excited din ang mga fans.


Sa ngayon, focused muna ang aktres sa kanyang career. Isa siya sa lead sa pelikula ni Direk Brillante Mendoza na Until She Remembers (USR) at may mga kasunod pang gagawing pelikula habang pahinga muna sa teleserye. 


Showing ang movie sa February 25, 2026 kasama sina Charo Santos at Boots Anson-Roa.


Ibinalita rin ni Barbie na official member na siya ng AktorPH.


Aniya, “I am proud and honored to be part of this league of actors who share the same passion and dedication to the craft. An organization that pushes for protection in the workplace and better opportunities for its members.”


Maraming AktorPH members ang nag-welcome kay Barbie Forteza sa pangunguna ng president nitong si Dingdong Dantes.



DADALO si Glaiza de Castro sa International Film Festival Rotterdam upang i-represent ang GMA Pictures at GMA Public Affairs film na 58th


May world premiere sa nasabing international filmfest ang pelikula tungkol sa ika-58 na biktima ng Maguindanao massacre at kabilang ito sa official selection.


Makakasama ni Glaiza ang director ng pelikula na si Carl Joseph Papa. Silang dalawa ang haharap sa mga manonood na tiyak magiging interesado sa istorya.


Ginagampanan ni Glaiza ang role ng anak ng photojournalist na isa sa mga biktima ng massacre na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang bangkay.


Ayon sa nabasa naming schedule, ang screening ay mula January 31, 2026 hanggang February 4. Wala pang schedule ng local screening at hinihintay na ito lalo na ng mga pamilya.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page