Sa National Museum ang reception… ANAK NI GRETCHEN NA SI DOMINIQUE, IKINASAL NA
ni Julie Bonifacio @Winner | March 6, 2023

Ikinasal na ang unica hija ni Gretchen Barretto at ng business tycoon na si Tonyboy Cojuangco na si Dominique kay Michael Hearn sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila last Saturday.
Mahusay na nailihim sa mga Marites ng bagong kasal ang exact date at iba pang details about their wedding.
Although, few days ago ay lumitaw sa social media ang ilang videos ni Gretchen at youngest sister niyang si Claudine Barretto na magkasama. Kita sa video na tila sinorpresa ni Claudine si Gretchen at super-yakap nang mahigpit ang ina ni Dominique sa kanyang pretty sister.
May kuha rin sa separate video na super-niyakap din ni Claudine si Dominique.
Mukhang very recent lang ang mga videos. Pero pansin agad ang pagpayat ng katawan ni Claudine ngayon.
Going back sa newlyweds, unang nagkita sina Dominique at Michael sa British School Manila. Pero noong 2018 lang talaga sila “nagkapansinan.” After four years, nag-propose na si Michael kay Dominique.
Siyempre, kapag ganyang may ikinasal, interesado ang marami sa gown ng bride.
Bagama't wala pang ini-reveal ang bagong kasal kung sino ang gumawa ng gown ni Dominique, na-gets na agad ng mga netizens kung sino.
“Congrats! 'Yung wedding dress niya, hawig nu'ng prenup gown ni Son Ye Jin from Elie Saab.
Ganda!”
“Yes it is. She flew to London twice for this gown.”
“Ako rin, 'yung gown ni SYJ agad ang pumasok sa isip ko.”
So, now we know na ang sikat na designer na si Elie Saab ang gumawa ng wedding gown ni Dominique na siya ring may gawa ng gown ng misis ng Korean actor na si Hyun Bin na si Son Ye Jin, during their pre-wedding photoshoot.
Next topic ng tsikahan ng mga Marites online ay ang reception ng wedding.
“National Museum ang reception nila. How unusual for a wedding reception but whatever floats their boat. Ngayon ko lang din nalaman na puwede palang mag-events doon, haha!”
“Halos lahat naman ng mga ganyan ay may reception area na puwedeng i-rent.”
“Ganyan talaga ang mga mayayaman now. Sina Kevin Love and Kate Bock sa Nat'l Public Library sa NY ikinasal, so mga ganu'ng vibes talaga ang mga alta, accla.”
Tsika pa nila, nasa P200K plus daw ang rate kapag nagpa-event sa naturang lugar.
“Iba siya, sa National Museum, ito ay National Museum of Natural History. Yes, may mga events d'yan.
“Mahilig kasi sa arts and culture ang mga alta. Not many could relate."
"Lol, sina Vicki Belo and Hayden Kho nga, sa The Palais Garnier in Paris ang reception ng wedding, eh. Ginagawa naman talaga 'yan but you need to secure a permit ahead of time lalo na 'pag government property. Unusual but not weird.”
“Congratulations! ... Kamukha talaga ni Dominique ang pinaghalong KC Concepcion at Julia Montes.”
'Yun na!





Comments