Sa movie na ginawa abroad… BF NI BELA, PALIT KAY JC
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 26, 2022

Sa London nakabase ngayon ang Viva actress na si Bela Padilla pero uuwi siya ng Pilipinas sa Abril, 2022 para sa promo ng unang pelikulang kanyang idinirek, ang 366 na produced ng Viva Films.
Sina JC Santos at Zanjoe Marudo ang leading men niya na pareho niyang kaibigan at nakasama sa ilang TV at movie projects.
"Babalik ako ng April to promote 366 with Zanjoe Marudo and JC Santos. Pero for now, this is my home base, so babalik din ako rito after April,” bungad ni Bela sa solo virtual mediacon niya nitong Huwebes nang tanghali.
Si JC ay naging leading man ni Bela sa mga pelikulang 100 Tula Para kay Stella (2017), The Day after Valentine (2018); Miracle in Cell No. 7 (2019); at On Vodka, Beers, and Regrets (2020).
Samantala, si Zanjoe naman ay sa TV series na My Dear Heart noong 2017 at naugnay din ang dalawa pero wala naman silang inamin kung ano ang real score sa kanila.
Bahagyang naibahagi ng aktres-scriptwriter-direktor ang kasalukuyang buhay niya sa London na talagang ini-enjoy niya nang husto.
“I think this year, the universe really conspired for me to be happy and to be complete as a person. So, I was able to achieve so many firsts in my life, aside from 366, which is my directorial debut and first film na I guess, talagang ang feeling ko, I created.
"I was able to move to London, start a life here. I was able to figure out things I want for myself in the next few years, and I think malaking blessing siya kasi nagawa ko siya during the pandemic, so I’m very thankful.
“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon. Siyempre, wala akong kasama.
“Nawala lahat ng mga bagay na nagpapakomportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse rito. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so, ayokong subukan.
“Wala 'yung driver ko rito, wala 'yung assistant ko. So, back to basics po ako ngayon. Lahat, ako muna ang gumagawa and I’m enjoying it.
“I have always been quite independent but I think this complete aloneness is new to me, but I’m liking it,” masayang kuwento ni Bela.
Kinlaro rin ng dalaga na hindi sila magkasama ng Swiss-Italian boyfriend niyang si Norman Bay sa London na binati niya sa kanyang Instagram account noong 2.22.22 dahil ikalawang taon nilang anibersaryo.
Ang caption ni Bela sa larawan nila ni Norman, "Happy second anniversary my travel buddy, fellow foodie, Billie Eilish album reviewer, master of plants (specifically chillies and citrus plants) and to the person who would still hang out with me even if there was a man park where men randomly talk about Marvel, you make my days brighter! Also how cool is it that our second anniversary is on 2.22.2022."
Sa Zurich, Switzerland nakatira si Norman pero nagagawan naman nila ng paraang magkita lalo na noong iselebra nila ang kanilang 2nd anniversary.
Nabanggit pa ng direktora na si Norman ang nag-stand in para kay JC sa shoot ng 366 dahil hindi nakarating ang aktor sa Istanbul, Turkey na location nila.
Say pa nito, “Sinamahan niya akong maghanap ng location and nu’ng shoot po namin mismo, fun fact, hindi po lumabas 'yung passport ni JC in time for our shoot.
“May tickets na kami, ready na lahat, nakagayak na lahat. Dapat kaming dalawa lang ni JC ang lilipad kasi 'yung buong crew for Turkey shoot were Turkish, so wala nang sumama sa akin from Manila.
"May eksena sa 366 na likod ni Norman 'yung nakunan po namin. Magka-height sila at parehong kulot (buhok). Very happy po ako kasi hindi siya nagpabayad ng talent fee. Pro bono po 'yung cameo niya sa 366," kuwento ni Bela.
Samantala, bukod sa promo ng 366, umuwi si Bela sa Pilipinas para tapusin na rin ang pelikulang Spellbound kasama si Marco Gumabao. Nahinto ang shoot nito noong Marso, 2020 dahil sa COVID 19 pandemic.
“Kailangan kong mag-continue ng shoot ng Spellbound pag-uwi ko ng Pilipinas kasi naiwan namin siya, naabutan kami ng pandemic nu’ng nagsu-shoot kami ni Marco Gumabao, but I will do that in Manila in April,” say ng aktres.
Anyway, mapapanood ang 366 sa Vivamax simula Abril, 2022 at kasama rin sa pelikula sina Alma Moreno, Josef Elizalde at Kat Galang.





Comments