top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Sa mismong birthday ng anak... Vlogger, niratrat si misis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 59 minutes ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 20, 2026



Misis na OFW galing Dubai, binaril ng mister ng vlogger - Circulated Diza Del Pozo

Photo: Circulated / Diza Del Pozo



Patay ang isang 45-anyos overseas Filipino worker makaraang pagbabarilin ng mister vlogger sa Brgy. Bangkal Carles, Iloilo.


Batay sa report ng Carles Police Station, limang araw pa lamang na nakabalik sa bansa ang OFW.


Naganap ang trahedya sa mismong kaarawan ng anak ng biktima.


Nag-usap umano ang mag-asawa at sinabi ng OFW na gusto na nitong makipaghiwalay subalit nagalit ang suspek at binaril ito ng ilang beses.


Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktimang OFW subalit hindi ito naisalba ng mga doktor.


Agad namang tumakas ang asawang suspek at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page