top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa mismong b-day celeb ng singer… RAYVER KAY JULIE ANNE: MAHAL KITA

BULGAR
May 18, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 17, 2022



Nagdeklara ng pagmahahal si Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose sa ginanap na intimate birthday celebration ng singer-actress noong Lunes nang gabi.


Ipinost ng management nilang Sparkle GMA Artist Center ang mga photos and videos ng nasabing selebrasyon na aside from Rayver ay dinaluhan din ng mga kapwa nila Kapuso stars.


Sa isang video ay makikitang nagbibigay ng speech at birthday message si Rayver para sa celebrator at dito niya sinabi nang bonggang-bongga ang kanyang nararamdaman para sa dalaga na ikinakilig talaga ng mga naroroon.


“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat, tulad nga ng sabi ni Barbie (Forteza), totoo naman, na blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me. You inspire everyone especially me,” simula ni Rayver.


Nagpasalamat ang aktor sa buong pamilya ni Julie Anne dahil daw nakakabisita siya sa bahay nito.


Dito pa lang ay maririnig na sa video na kinikilig na ang mga tao sa venue.


Pero heto na ang pinakabonggang pakilig na sinabi ni Rayver.


“Happy, happy birthday, Juls. Ang gusto kong sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal,” mensahe ng aktor at napakalakas na sigawan ang narinig namin.


“Kapag ready ka na and kapag okay na kina Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” pagtatapos ng aktor at pagkatapos ay lumapit kay Julie Anne at niyakap ito nang mahigpit sa gitna ng pagsisigawan ng lahat.


Inabutan ni Rayver ng flowers si Julie Anne at pagkatapos ay niyakap niya itong muli.

Speechless naman ang aktres although makikita mo namang masaya rin siya at kinikilig sa mga sinabi ni Rayver, although ‘yun nga lang, hindi sumagot ng “Mahal din kita” ang dalaga.


We just don’t know kung ano ang hinihintay ni Rayver kay Julie — ‘yung matamis nitong oo (kung nanliligaw pa lang siya) or 'yung pag-amin nila sa relasyon (kung meron na)?


Kung hindi kami nagkakamali ay 28 years old na rin si Julie Anne kaya nasa hustong edad na naman para sa isang relasyon or kahit nga mag-asawa, eh.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page