top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga namba-bash kay AJ… "WALA NAMAN SILANG ALAM, EH!" — ALJUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2023
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 2, 2023



Pilit na umiiwas si Aljur Abrenica sa mga taga-media pagdating niya sa grand launch ng Gutierez Celebrities and Media Production. But very nice naman at super sweet si Aljur sa pagtanggi sa mga taga-entertainment press.


For sure, knows na ni Aljur na kukuyugin siya ng mga manunulat para kunin ang reaksiyon niya sa paglantad ni AJ Raval ng tunay na estado ng kanilang relasyon.


Present sa Gutierez Celebrities and Media Production na pag-aari ni MJ Gutierez si Aljur dahil may horror movie siya sa bagong produksiyon, ang Jeongbu with Ritz Azul directed by Topel Lee.


Say ni Direk Topel, “Actually, we shot this during pandemic kaya available kaming lahat. Si Aljur, wala ring ginagawa that time. So, ‘yung kuwento, sinabi ko sa kanya and he likes it naman.


“Uh, sabay sila ni Ritz (Azul) nu’ng kinuha namin. Then, we shot the movie in Baguio during pandemic. Naka-locked-in kami kasi gusto na naming mag-shoot noon dahil wala kamimg ginagawa.


“Ten days kaming nag-shoot sa Baguio and then, minimal cast kasi nga pandemic noon. But we were able to finish it naman.”


Hindi pa raw nagpapakasal si Ritz nu’ng gawin nila ang Jeongbu. Pagkatapos daw nilang i-shoot ang Jeongbu, saka ikinasal si Ritz last year.


Wala raw ginagawang project si Aljur nu’ng ialok sa kanya ni Direk Topel ang movie dahil pandemic.


“And sinabi ko naman ever since na I’ve always wanted to work with Direk Topel Lee. Tapos, horror pa ‘yung ginawa namin. So, this is such a blessing and uh, ibinigay Niya sa atin,” pahayag ni Aljur.


First time raw niyang nakatrabaho sa isang movie si Ritz. Hindi raw sila nag-abot sa GMA before pero pareho silang Kapampangan.


Hindi pa alam ni Aljur kung matatakot siya sa movie dahil hindi pa niya napapanood.


“Pero when doing the film, we can really feel sa set namin the chills. Malamig kasi sa Baguio.


The production design is really sink doon sa… ‘yung environment ba? Nakakatakot talaga.


Saka tinatakot namin ang isa’t isa roon, eh. Nagkakatakutan, eh,” saad niya.


When asked kung takot siya multo or meron ba siyang kinatatakutan, “Wala naman akong kinatatakutan na multo. Hindi ako naniniwala. Pero dito, naniwala ako.”


Pagkatapos ay inusisa na si Aljur kung bakit tila umiiwas siyang magpainterbyu.


“Hindi naman sa ayaw,” depensa ni Aljur. “Hindi n'yo lang ako nakikita madalas. At ayaw ko na ring magsalita kasi nami-misinterpret lang ng iba.


"Ang ayaw ko kasi, when you give information, sometimes, nag-iiba-iba 'yung mga ano, eh, kung paano ibigay ng tao para lang mabasa, para lang maging mas interesting. Eh, for now, I have to protect my family. I have to protect my kids. The damage has been done. Kaya ayaw ko nang madagdagan. ‘Yun lang. So, let’s just move forward. Let’s just work. Do something good.”


Kinuha namin ang reaksiyon ni Aljur sa mga namba-bash sa girlfriend niyang si AJ Raval.


“To be honest, hindi ako nasasaktan sa mga bash nila. Wala naman silang alam, eh. Wala naman talaga silang alam. No one really know kung ano talaga ang nangyayari. May lumabas, may nagrereak agad, ‘di ba?


“So, hindi ako naapektuhan sa kanila. Walang sense, eh, kung magpapadala ako.


“Kaya trabaho na lang ang ginagawa ko, yeah. I give my energy to my family instead na magbasa ako, maapektuhan.”


Napag-usapan din namin ang tungkol sa mga anak niya at ang estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.


Noong Lunes nga lang daw ay magkasama si Aljur at ang mga anak nila ni Kylie na sina Alas at Axl. Ang galing-galing daw ng mga bata.


“Si Alas, magaling sa Math. Matalino si Alas. Nagsusuntukan na rin sila. Nakakatuwa silang magsuntukan, parang action stars. Nag-aaway sila."


Padagdag daw nang padagdag ang nalalaman ni Alas sa mga numero. Kaya na nitong bilangin hanggang 600. Marunong na rin daw ito sa addition.


Na-curious kaming alamin kay Aljur kung paano niya pinoprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay.


“Hindi kasi, you have to choose kung saan mo inilalagay ang energy mo. Are you gonna dive in this area na very general at wala namang nareresolba?


“So, I focus on my family. I go to my kids. Sila 'yung pinag-uubusan ko ng atensiyon. Hindi ako nagse-cellphone. Hindi ako nagbabasa.


“Hindi ko nga alam kung ano’ng nangyayari ngayon, eh. Ano ba'ng nangyayari ngayon?” birong seryoso ni Aljur.


Anyway, marami pang naka-line-up na movies ang Gutierez Celebrities and Media Production. At bukod sa pelikula, may mga TV shows din sila na nakahanda na para isalang sa TV network.

Congrats, Gutierez Celebrities and Media Production!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page