Sa mga nagkakalat ng sex video ng mga artista… “KARMA IS REAL” — TONY
- BULGAR

- 6 days ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 13, 2026

Photo: IG @tony.labrusca
Nagbigay ng reaksiyon si Tony Labrusca sa mga kumalat na sex video ng mga kapwa niya male stars na sina Arron Villaflor, Gil Cuerva, Nikko Natividad at Ron Angeles.
“I think it’s very disrespectful, distasteful,” dismayadong sabi ni Tony.
Paliwanag niya, “And I’m just so happy that the culture in the Philippines right now just realized it. I think a lot of people realized that it is wrong too, you know.”
Nakausap namin si Tony sa mediacon ng 8th Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF). Isa sa mga official entries sa Sinag Maynila 2026 ang pelikula ni Tony na All About Her (AAH) directed by Joel Lamangan.
“Actually, I feel bad for them. I think it’s an invasion of privacy, you know. So what you will do behind closed doors I think should remain private. And second, I don’t think people should scandalize it, honestly,” pahayag ni Tony.
Hindi raw dapat kabahan at magpaliwanag ang mga nasa sex video.
“I think sila (nagkakalat) ang dapat kabahan because you know, karma is real. So, good luck na lang po sa kanila,” diin ni Tony.
Dugtong pa niya, “But for those guys, ano lang, we’re in the industry now that’s a lot more flexible when it comes to that.”
Last year, may movie rin si Tony na kasali sa Sinag Maynila. This time, eto namang AAH ay isang psychological thriller-horror film.
Suki na pala siya sa Sinag Maynila, sabi namin kay Tony.
“Ganu’n na nga,” ngiti ni Tony.
Aniya, “I’m just happy working with some familiar faces and uhm, ‘yun. I hope you guys will like our film. The highlight is going to be our two female leads. I’m just happy to support them. I play William dela Cruz, isa po akong pulis.”
Last time, muntik nang manalo si Tony bilang Best Actor sa Sinag Maynila.
“Yeah,” sabay hinga niya nang malalim.
This time kaya?
“Oh, no. I really love my role here. I don’t think I’m in the running for anything. My character is just to support our two lead stars,” sagot ni Tony.
Ang iba pang entries sa Sinag Maynila 2026 ay ang Ang Bangkay (AB) ni Direk Vince Tañada, Lanaya directed by Clyde Capistrano, Pinikas ni Cris Fuego, Sweet Escape (SE) directed by Rommel C. Ricafort at ang Desperada ni Direk Louie Ignacio.
Ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza ang festival director ng Sinag Maynila at ang producer ng Solar Films na si Wilson Tieng ang founder.
Magsisimulang mapanood ang six official entries sa Sinag Maynila mula March 23 hanggang 29 sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinema Venice Complex at Lucky Chinatown Cinemas.
Wig, idinidikit sa anit, super-init daw…
HILDA, DUSA ANG INABOT SA PAGGAWA NG SISA
NAKABALIK na si Hilda Koronel sa Amerika. Umalis siya ng Pilipinas last Tuesday, March 10. Super-hectic ang schedule ng beteranang aktres after she arrived here noong February. Sunud-sunod kasi ang mga ganap para sa promo ng Sisa.
Sulit na sulit dahil sa malaking success ng pelikula sa box office at sa mga review na natanggap nila from the audience.
Pero ang nakakaloka, pati wig na ginamit ni Hilda sa Sisa ay napagdiskitahan.
Winelcome naman ni Hilda ang mga ganitong comments.
In-explain ng aktres sa kanyang Instagram (IG) kung bakit ganoon ang wig niya sa movie.
Paliwanag ni Hilda, “Gusgusin, brown makeup from top to bottom. Pati talampakan ko, brown. Plus, ‘yang wig ko, naka-glue ‘yan sa anit ko araw-araw at sobrang init, puro pawis my head hanggang paa. ‘Wag n’yo na pag-initan ang wig namin, Hahaha! Hinihimatay na kami sa init. Costume pa….”
Last three days bago bumalik sa US si Hilda ay hindi na siya tumanggap ng anumang commitment.
Time na raw iyon for her children at kanyang mga apo, at may time para makapag-empake ng kanyang gamit.
Kalurks, hindi raw nagkasya sa maleta niya ang mga gamit niya, kaya ang dami-dami pa niyang gamit na naiwan sa Pilipinas.
Hopefully, makabalik ulit ng Pilipinas si Hilda Koronel and do more projects here.




Comments