Sa mga girls na todo-aligid kay Coco… “ALAM N'YO NA KUNG SINO KAYO” — JULIA
- BULGAR

- Jun 7, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 7, 2025
Photo: Julia Montes - IG
Open na talaga si Julia Montes na pag-usapan ang relasyon nila ni Coco Martin at sa interview nito kay Karen Davila, napag-usapan ang mga girls na umaaligid at nagpapa-cute pa rin kay Coco. Ito ay kahit alam na may Julia Montes na ang actor-director-producer.
Heto at may message si Julia sa mga girls na nagpapapansin pa rin kay Coco.
“Nu’ng bagets ako, insecure. Coco Martin is Coco Martin, maraming umaaligid, alam n’yo na kung sino kayo,” sey ni Julia na sayang, hindi nagbanggit ng clue.
“But over time, those feelings faded, thanks to Coco’s consistency and character. I am just lucky na iba ang values ni Coco. Si Coco ang nag-secure sa ‘kin. S’ya, trabaho tapos uwi, tapos lahat ng bagay, ikinukuwento n’ya lahat sa ‘kin,” banggit ni Julia.
Ayon pa kay Julia, best friends din sila ni Coco, bukod sa mag-partner at ito ang nagpa-secure sa kanya. Kung nag-aaway nga raw sila, hindi sila nagsisigawan.
“We choose to focus on respect rather than each other’s faults. Pareho kaming calm people, kaya ‘di kami nagsisigawan,” ayon pa kay Julia Montes.
‘POPULAR now’ ang Facebook (FB) status ng beauty contest candidate na si Chella Grace Falconer dahil inakalang siya ang mom ng baby boy ni Tom Rodriguez na si Korben.
Itinanggi at nilinaw ni Chella ang isyu sa pamamagitan ng post sa FB na, “Hi everyone! Just to clarify, I’m not Tom Rodriguez’s girl, so let’s stop spreading false rumors.”
Ang naging basehan sa maling akala ay dahil sabay daw nag-post sina Tom at Chella ng tungkol sa baby nila. Kaya lang, ang post ni Tom, kasama ang mom ng baby boy niya, nakatalikod nga lang. Si Chella naman, ipinakita ang mukha at ang kanyang baby.
Magkaiba ang pangalan ng 2 babies, kaya paano napagkamalang baby ni Tom ang kay Chella? Korben ang pangalan ng baby ni Tom at Trevor ang pangalan ng baby ni Chella.
Saka, 2024 na nanganak si Chella at may baby na raw ito nang sumali sa 2025 Miss Universe kung saan, she represented Cebu province, pero umatras din sa beauty pageant.
Pinansin din ng mga netizens na magkaiba ang body built nina Chella at partner ni Tom, kaya malayong si Chella ang mom ng baby ni Tom.
Sey ng mga netizens, may nadamay sa post ng aktor na nakatalikod ang partner niya. Kaya ang face at name reveal lang daw ng partner nito ang kanyang gagawin para hindi na madamay si Chella.
SINA Rabin Angeles at Angela Muji ang bagong love team na pinagkakaguluhan, tinitilian at kinakikiligan ng mga fans ngayon.
Nagulat kami sa laki at lakas ng fan base ng dalawa na sumuporta sa kanila sa mediacon ng bago nilang series na Seducing Drake Palma (SDP).
Mula nang lumabas sa stage ang dalawa, tuwing sumasagot sa mga tanong at hanggang natapos ang mediacon, walang tigil ang sigawan ng mga fans. May kasamang kilig ‘yun at nagkatabi lang ng upuan sina Rabin at Angela, nagkagulo na.
Nag-effort pa ang mga fans na bigyan ng flowers ang dalawang bida na kanilang ipinagpasalamat.
Sina Rabin at Angela nga ang mga bida sa Wattpad sensation na SDP na streaming sa Viva One simula June 15. May 120 million reads na ang isinulat ni Ariesa Jane Domingo o “Beeyotch,” her pen name at kung manonood lahat ‘yun, big hit ang first lead project nina Angela at Rabin.
Nabanggit din ni Direk Crisanto Aquino na nagulat siya sa engagement nang ilabas ang teaser ni Rabin. Within 24 hours, may 2.4 million na agad. Nang ilabas ang teaser with Angela, umabot sa 4 million+ ang engagement. Kaya, expect natin na maghi-hit sa Viva One ang series at masusundan ng maraming projects ang mga bida.
Inamin ng mga bida na kabado sila, at may konting pressure sa outcome ng series. Hindi naman papayag ang kanilang mga fans na hindi mag-hit ang series.
Sey din ni Direk Cris, “Mahusay sina Rabin at Angela, effortless ang pagpapakilig nila, maganda ang story, at magaling sila. Wala silang dapat ika-pressure.”










Comments