Sa mga ‘di makakarating sa Spain… BEA AT VINCENT, MAY PA-RECEPTION NG KASAL SA MAYNILA
- BULGAR

- Apr 1
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 31, 2026

Photo: Instagram / Bea Alonzo
Nakakatuwa ang mga netizens, maggo-grocery daw sila sa Puregold sa May 16, 2026 na wedding day nina Vincent Co at Bea Alonzo dahil baka may big discount. Ang big discount ay selebrasyon daw ng mga Co sa kasal ni Vincent at comment ng mga netizens, sana ay magkatotoo.
Mayroon namang nagsabing magluluto siya ng pancit sa araw ng kasal nina Bea at Vincent dahil masaya siya na ikakasal na ang favorite actress niya. For sure, hindi lang pancit ang lulutuin nito.
Lumabas na nga na sa May 16 ang wedding at tama ang info matapos kumalat ang announcement ng wedding banns nila sa month ng wedding. Tama rin ang na-report na sa vineyard ng mga Co sa Spain gaganapin ang kasal.
Nagkabiruan na mahaba ang lalakarin ni Bea dahil 200 hectares ang vineyard na para bang ganoon din kalawak ang wedding march. Hahaha!
Heto pa ang bongga, para raw hindi mahirapan sa travel ang mga invited guests dahil may oil crisis, may chartered private plane na magdadala sa kanila sa Spain at magbabalik sa kanila sa Manila.
Ang sunod na inaabangan ay kung sino ang invited ni Bea na dadalhin sa Spain. May tsika na ang hindi makakasama sa Spain, may inihandang reception sa Manila para sa kanila. Kaya, makakapag-congratulate at makakabati pa rin sila ng “Best Wishes” sa mga ikakasal.
ANG daming nag-comment sa post ni Kim Atienza na AI (artificial intelligence) video ng namayapa niyang anak na si Emman Atienza.
Tungkol sa kindness ang video ng anak na bahagi ng ongoing tribute niya na tinawag niyang ‘Mondays With Emman’. Lumabas noong Holy Monday ang video.
Post ni Kuya Kim, “A Holy Monday message from Emmansky to her tribe. Keep going, there is hope, there is light. Be heard.
“Be kind, depression is real. Thank you to @memorify.ai for honoring my Emmansky and spreading her message of kindness.”
Kabilang sa mga nag-comment si Gary Valenciano na nagsabing, “Love you bro.”
Nagpasalamat naman si Donita Rose, “Thank you for using this to educate and remind people of their value.”
Ikinasorpresa naman ng isang netizen na hindi na-offend si Kuya Kim na ginamit ng AI ang voice ni Emman.
Sagot ni Kuya Kim, “It really depends on the message. This message through AI is uplifting.”
Sa nag-comment na wrong use of AI ito, may sumagot na aprubado ito ni Kuya Kim at walang mali kung ginamit ang video to spread a message about uplifting.
Sa mga nagsabing disrespectful sa namatay ang paglabas ng AI video, may sagot din si Kuya Kim.
Aniya, “You got it all wrong. The message far outweighs all your misgivings. Be a little kind to yourself as well.”
Sinundan ito ng, “It’s not the grieving, it’s the message. My daughter stood for this. This is her advocacy. Temper the anger and be a little kind (also to yourself). Thanks.”
‘Di lang sa Milan at New York… HEART, JOIN NA RIN SA SHANGHAI FASHION WEEK
NADAGDAGAN ang dinadaluhang fashion week ni Heart Evangelista dahil um-attend din siya sa Shanghai Fashion Week at first time niyang dumalo rito.
Sabi nito sa reels, “I love Shanghai.”
Natutuwa ang mga fans ni Heart dahil iba naman ang kanilang mapapanood sa reels nito, new faces, new designers, new fashion, new models at new vibes. Waiting sila sa update ni Heart na siguradong marami.
May nag-comment na haul everyday ang ginawa ni Heart sa Shanghai Fashion Week, na sinagot nito ng “Ang dami gifts. Ang dami lang saya.”
May nagpaalala kay Heart na baka ma-over baggage siya sa dami ng iuuwi niya.
Cute naman ang paalala ng isang fan ni Heart na, “Shanghai brought back your confidence, glow and passion for fashion to be honest. I am enjoying this Shanghai Fashion Week e-diary than your Milan and Paris. Stay kikay but atin pa rin ang West Philippine Sea. Hihihi!”
Kita na nag-e-enjoy si Heart sa Shanghai Fashion Week at feeling ng mga fans, magiging isa sa favorite designer niya si Mark Gong. Nagpalitan na sila ng “I love you.”
May nag-comment naman na in-introduce ni Heart ang Shanghai Fashion Week sa Pilipinas, sigurado raw na may mga susunod sa kanya.
Baka sa next Shanghai Fashion Week, hindi na lang si Heart Evangelista ang Filipina na dadalo.





Comments