Sa Mayo 2025 na... P-Du30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region elections
- BULGAR

- Oct 29, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 29, 2021

Opisyal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas hinggil sa pagpapaliban ng May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.
Isang larawan ang makikita na pinipirmahan ni Pangulong Duterte ang naturang batas na nai-post sa Bangsamoro Government’s official Facebook page ngayong Biyernes.
“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” batay sa caption nito.
Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mag-o-oversee ng rehiyon hanggang sa May 2025 midterm polls.
Kinumpirma naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at inilabas ang kopya ng bagong batas kung saan pinahihintulutan si Pangulong Duterte na mag-appoint ng 80 bagong miyembro ng BTA hanggang May 2025 elections o hanggang ang kanilang successors ay mahalal.
Ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law noong Pebrero 2019 via isang plebiscite ang naging daan upang malikha ang BARMM at ma-abolished ang dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kabilang sa BARMM ang Cotabato City, 63 barangay sa mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato.
Napalawak din nito ang jurisdiction o sakop na kalupaan at katubigan, fiscal autonomy, nadagdagan ang shares sa resources ng national government at iba pa.








Comments