Sa love scene nila ni Cloe… MANOY NI SEAN, KITANG-KITANG TUMAYO SA MOVIE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 8, 2022

“Hindi ako ChowFan!” ito ang ipinagdiinan ni Sean de Guzman sa ginanap na screening-cum mediacon para sa latest movie niyang The Influencer sa Vivamax na mapapanood na sa Agosto 12 mula sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Ipinaulit sa sexy actor kung ano ang ibig sabihin ng ‘chowfan’, kasi nga, ang alam ng lahat ay isa ito sa menu sa kilalang fast food chain.
Ang ibig sabihin pala ay hindi siya tumatalo ng fan na may gusto sa kanya.
Bilang influencer ang karakter ni Sean sa pelikula ay kaliwa’t kanan ang babaeng may gusto sa kanya at lahat ng ito ay pinagbibigyan niya hanggang nakatagpo niya si Cloe Barreto na sobrang obsessed sa kanya at lahat ng lakad niya ay nasusundan hanggang bahay at nagawa pa nitong makapasok nang walang hirap.
Kahit na anong iwas ni Sean kay Cloe ay hindi niya magawa dahil binantaan na siyang papatayin at nagawang igapos siya nang hubo’t hubad at pagsawaan ang buong katawan niya.
Bagama’t sandali lang ay napansing may umangat sa private part ni Sean kaya natanong siya kung tinamaan siya sa matinding love scenes nila ni Cloe na sa bilang namin ay kulang sampung beses.
“Si Direk Louie kasi, mapagkakatiwalaan ko kasi siyang direktor. So, dapat talagang magtitiwala ka sa direktor kung ano ang mas magpapaganda sa pelikula, gagawin natin. Kung inire-require ru’n sa eksena, gagawin natin,” say ng aktor.
At ang sagot ni Sean sa umangat na pribadong parte ng katawan niya, “Ulitin n’yo! Panoorin n’yo uli! Hindi, kasi sa eksena talaga na ‘yun, kinausap ako ni direk na kailangan ko talagang gawin ‘yung bagay na ‘yun. So ako, as an actor, minotivate ko ‘yung sarili ko na kaya ko ‘yun. Kaya kong gawin ‘yung bagay na ‘yun! Ha! Ha! Ha!
“Actually, nahirapan ako. Nahirapan ako ru’n sa eksenang ‘yun. Kasi siyempre, pressure ‘yung ambience na patigasin ‘yung ari, ‘di ba?”
Nagkabiruan sina Sean at Cloe na pinaglaruan daw ng sexy star ang eksenang iyon kaya nagulat ang mga imbitadong taga-media/vloggers.
Mas magandang panoorin na lang ang The Influencer sa Vivamax sa Agosto 12 na produced ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions for Viva Films. Kasama sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Quinn Carillo, Calvin Reyes, Karl Aquino at Soliman Cruz.





Comments