Sa lahat ng naging GF ng aktor, Bea… JULIA, PINATINO SI GERALD
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 2, 2022

Handa na raw si Gerald Anderson na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Secured na ang magiging future ng babaeng kanyang pakakasalan at ng kanilang magiging anak.
Gusto nang maranasan ni Gerald ang maging ama at si Julia Barretto na ang gusto niyang makasama sa buhay. Puwede na niyang i-give-up ang kanyang buhay-binata.
Sa dami ng babaeng nakarelasyon ni Gerald, kay Julia lang siya tumino. Nakatagpo siya ng katapat.
Well, kung ready nang magpakasal si Gerald, handa na rin ba si Julia na i-give-up ang kanyang career para sa BF?
Nasa peak ang career ni Julia ngayon at marami pang magagandang oportunidad ang naghihintay sa kanya. Lalaki pa nang husto ang kanyang pangalan at marami pang endorsements na darating sa kanya.
Sayang naman ang kikitain pa ni Julia Barretto kapag nag-asawa na siya. Mababawasan na ang kanyang premium bilang artista.





Comments