top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa lahat ng ex-BF sa showbiz… BEA, KAY DOMINIC LANG NAKAHANAP NG PEACE OF MIND

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 5, 2023




Excited at tuwang-tuwa ang mga fans ni Bea Alonzo matapos ang ginawang pagpo-propose ng nobyong si Dominic Roque. Sa wakas ay nakatagpo na rin si Bea ng isang lalaking seryoso sa relasyon at handa siyang pakasalan.


Walang ulterior motive sa kanya si Dominic kumpara sa mga naging karelasyon niya noon. Hindi ang yaman ni Bea ang habol ng boyfriend. Isang self-made man si Dominic, may sarili itong negosyo bago pa siya sumubok na mag-artista.


Hindi siya ang tipo ng lalaking aasa at sasandal sa kanyang karelasyon. Hardworking at goal-oriented si Dominic kaya masuwerte si Bea na nakatagpo siya ng mabait at disenteng lalaki. Kaya ang payo kay Bea ng lahat ay ‘wag na niyang pakawalan pa ang nobyo. Bibihira ang kalaking katulad nito. Sabi nga ng aktres sa isang interview, sa piling ni Dominic niya nararanasan ang kapayapaan ng loob kapag sila ay magkasama.


Inilalayo siya nito sa magulo at maingay na mundo ng showbiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page