Sa kasalang Daniel-Kaila… “DESISYON NILA ‘YAN” — JOHN
- BULGAR

- Jun 25
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 25, 2026

Photo: FB Rufa Mae Quinto Magallanes
Ibinahagi ng aktor na si John Estrada na naranasan niyang matulog sa karton habang nagsu-shooting ng isang horror movie noon.
Sa panayam ni Matteo Guidicelli sa programang Matteo G. Primetime (MGP) sa YouTube (YT), naitanong niya kay John kung ano ang malaking pagkakaiba ng industriya noong dekada ‘90 kumpara sa kasalukuyan.
“Ano’ng diperensiya ng set noong ‘90s at ngayon, 2026?” tanong ni Matteo.
Ayon kay John, mas masuwerte ang mga artista ngayon dahil mas kumpleto na ang mga pasilidad at suportang ibinibigay sa kanila.
“You know, lucky are the stars now or the actors now because back in the day, wala kaming tents. That’s the number one that I can remember,” ani John.
Kuwento pa niya, kapag nasa lokasyon sila ng shooting, madalas ay wala silang maayos na lugar para magpahinga.
“Kung nasa building ka, bahala ka nang humanap ng mapaglalatagan. I remember when I was starting, totoo ‘to, natulog ako sa karton habang nagsu-shooting kami ng horror movie ni Direk Peque Gallaga. Wala kaming tent nu’n. Sa lumang bahay kami nagsu-shoot at talagang sa karton ako natulog kahit artista na ‘ko,” aniya.
Dagdag pa niya, wala ring mga glam team noon kaya sariling sikap ang mga artista sa paghahanda ng kanilang sarili.
“Ngayon, may mga glam team na ang mga artista. Noon, kani-kanya kaming makeup at paghahanda. Napakasuwerte ng mga artista ngayon,” saad ni John.
Sa nasabing panayam, napag-usapan ang matagal nang pagkakaibigan nina Randy Santiago, Willie Revillame at John Estrada.
Tinanong ni Matteo si John, “Ano ba ang mga natutunan mo kina Kuya Randy at, siyempre, kay Kuya Willie Revillame para sa ‘yo, sa buhay mo ngayon?”
“Actually, wala, eh,” pabirong sagot ni John.
Dahil dito, napahalakhak sina Matteo at Randy.
Agad naman itong nilinaw ni John.
“No, no, no. But they are true friends. Alam mo, sa showbiz at sa industriyang ito, mabibilang mo lang talaga ang mga true friends mo. And of course, sina Willie, Randy, at Richard (Gomez) are really, really true friends. You know they’re family to me,” aniya.
Samantala, sa isang episode ng MGP, nagpalabas si Matteo ng video clip mula sa isang palabas kung saan ikinakasal ang mga karakter nina Kaila Estrada at Daniel Padilla.
Matapos ipakita ang clip, tinanong ni Matteo si John, “Are you excited for this day to come?”
Sagot ni John, “I’m just going to go back to what I said earlier, Matt. You know, I’m just here for my daughter and for them. But that’s their decision. If one of these days they decide to settle down, then it’s not on us — it’s on them. We’re just here to guide them, support them, love them, and protect them.”
In fairness kay John Estrada, pagdating sa pagiging ama, masasabi ni yours truly na maayos at mabuti siyang tatay. Anuman ang mga isyung ibinabato sa kanya, hindi naman matatawaran ang kanyang pagmamahal at pagtupad sa responsibilidad bilang magulang.
Pak, tumpak!
MALAYANG pagpapakatotoo ang mensahe ng bagong kanta ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, na alay niya para sa mga palabang reyna, at mapapakinggan na ito simula sa Biyernes (Hunyo 26) sa iba’t ibang music streaming platforms.
Unang ipinarinig ito ni Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) noong Lunes (Hunyo 15), kung saan ibinida niya ang mga matapang na linya at masayang beat ng kanta para sa pagsisimula ng nagbabalik na pageant segment ng programa na Miss Q&A: Reyna Talak-Era 2026.
Isang selebrasyon ng tapang, kumpiyansa, at walang patumpik-tumpik na pagpapahayag ng sarili ang kantang Talak, na isinulat mismo ni Vice Ganda katuwang sina Chris Lopez at Kiko Salazar.
Sina Chris Lopez at Jonathan Manalo ang nagprodyus ng awitin kasama ang supervising producer at StarPop label head na si Roque ‘Rox’ Santos.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments