Sa kabila ng lahat ng pinagdaananan nila… LANI, SI BONG PA RIN ANG GUSTONG MAKASAMA

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 26, 2026

Photo: FB Lani M. Revilla
Hindi lang basta birthday greetings ang inialay ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla sa kanyang mister na si Sen. Bong Revilla, Jr. na nagdiwang ng ika-60 kaarawan nu’ng Setyembre 25.
Sa social media, nagbahagi si Lani ng ilang sweet na larawan nila ni Bong at sinabayan ito ng makahulugang mensahe para sa asawang matagal na niyang katuwang sa buhay.
“It’s a special day for the one who has given my life so much meaning. Through every challenge and every triumph, there’s no one I’d rather be with,” saad ni Lani.
Hindi rin nakalimutan ni Lani na pasalamatan si Bong sa iba’t ibang papel nito sa kanyang buhay, hindi lamang bilang asawa kundi bilang mentor at katuwang niya sa lahat ng pinagdaanan nila.
“Thank you, Ramon Bong Revilla, Jr. for being my mentor, my partner, and my constant. I’m grateful for all our years together and for the many more that are still ahead of us,” dagdag pa niya.
Sa huli, ipinagdasal ni Lani ang patuloy na paggabay, kapayapaan at lakas para kay Bong habang ipinagdiriwang nito ang kanyang 60th birthday.
Aniya, “May God continue to bless you with peace and strength as you celebrate your 60th birthday. I love you, Papa!”
Samantala, patuloy ding ipinapakita ng pamilya Revilla ang pagiging magkakapit-bisig sa mga pinagdaanan nila nitong mga nakaraang buwan kaugnay ng akusasyon sa dating senador na sangkot ito sa ghost flood control projects.
BINALIKAN ni Iya Villania ang mga pinagdaanan niya bago tuluyang makilala sa showbiz, kabilang ang mga sunud-sunod na audition at rejections na naranasan niya nang magsimula siyang magtrabaho sa Pilipinas.
Sa isang episode ng Kami Ang Inyong Mga... podcast, ikinuwento ni Iya ang kanyang journey mula sa Australia hanggang maging parte ng Phil. entertainment industry.
Bagama’t ipinanganak at lumaki sa Australia, nanatiling malapit si Iya sa kulturang Pinoy dahil sa kanyang pamilya.
Ang kanyang ina ay nag-oorganisa noon ng mga Filipino concerts sa Australia at nagpapatakbo rin ng Filipino at Asian grocery store.
Kuwento pa niya, “And so she would produce Filipino concerts along with friends. And so we’d have Martin Nievera, Pops Fernandez.”
Dahil dito, bata pa lamang si Iya ay nakilala na niya ang ilang personalidad sa industriya at nanatiling malalim ang kanyang koneksiyon sa Filipino community.
Nakatulong din sa kanya ang mga koneksiyon ng kanyang ina nang magpasya siyang subukan ang kapalaran sa showbiz sa Pilipinas. Isa sa mga nakilala ng kanyang ina ay ang talent manager na si Arnold Vegafria, na naging manager ni Iya nang lumipat siya sa bansa.
“So eventually, she became friends with managers of you know these artists, and then she became friends with Arnold Vegafria. So, Arnold was my way when I came here as my manager. He said, ‘Okay, you know what? Come to the Philippines. Ako ang bahala sa 'yo. I'll help you out.’ And also Tito Randy Santiago. He would also say na, ‘Oh, come to the Philippines. Come and visit me, sa... MTB (Magandang Tanghali Bayan),’” pagbabahagi niya.
Noong 2002 ay dumating si Iya sa Pilipinas at nagsimulang mag-audition para sa iba’t ibang proyekto. Hindi naman naging madali ang kanyang unang hakbang sa industriya dahil ilang beses din siyang nakaranas ng rejection.
“My first job was, well I had to audition for all sorts of things. S’yempre, ‘pag baguhan ka, ‘di ka puwedeng mapili. So I was auditioning for commercials. I was also rejected many times,” sey ni Iya.
Makalipas ang isang taon, nakakuha rin siya ng regular na trabaho bilang game jock sa IBC 13 noong 2003.
Sa una, inakala ni Iya na matagal na ang isang taon niyang paghihintay bago makakuha ng trabaho. Ngunit kalaunan, napagtanto niyang mabilis pa rin pala siyang nabigyan ng pagkakataon kumpara sa ibang nangangarap makapasok sa industriya.
Naging mahalagang bahagi ng career ni Iya ang kanyang mga unang hosting job dahil dito siya mas naging komportable sa harap ng kamera.
Kalaunan, napunta siya sa GMA para maging bahagi ng Click, kung saan niya nakilala ang kanyang mister na si Drew Arellano.
Matapos ang isang taon, lumipat naman siya sa ABS-CBN noong 2004. Nagkaroon din siya ng ilang shows sa Kapamilya Network, pero ang ending, nagbalik din siya sa GMA-7 at ngayon ay host ng Chika Minute sa 24-Oras.





Comments