Sa Jeju island at Seoul ang shooting… ARCI, KOREAN ACTOR ANG LEADING MAN SA MOVIE
- BULGAR
- Mar 25, 2023
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 25, 2023

Kita ang sobrang excitement ni Arci Muñoz habang ikinukuwento ang detalye kung paano nabuo ang latest project na isu-shoot niya sa South Korea titled Jeje Vu during the story conference of the said movie last Wednesday.
Ang Jeje Vu ay ipo-produce ng NDM Studios na pag-aari ng Palanca award-winner na si Njel De Mesa at co-producer si Arci. Si Njel din ang magdidirek ng movie na isu-shoot sa Jeju at Seoul in South Korea next month.
Ayon kay Direk Njel, "Matagal na naming gustong gumawa ng pelikula sa Korea. Siyempre, pangarap po ni Mona (Arci) na magkaroon ng pelikula sa Korea. Tapos, isang gabi na nag-pre-production kami sa Jakarta (Indonesia) after our shoot, sinabi ko, 'Teka lang. Parang nangyari na 'to.’ Sabi ko, 'De ja vu.'”
Tapos sabi ni Arci, "Direk, you're in the perfect place. We're in the right track. 'Pag na-experience mo 'yung 'jejevu', hehe.'"
"Eh, nu'ng sinabi niya 'yung 'jejevu', joke namin 'yun doon sa pelikulang gagawin namin sa Jeju island, gagawin naming jejewon dapat. So, parang rumehistro sa akin 'yung dati niyang sinabi na 'jejewon' nu'ng sinabi niya 'yung 'jeje.'
"So, sabi ko, 'Jejevu' ‘yung title ng pelikula natin!"
"Tapos, hanggang sa ikinuwento ko na sa kanya 'yung isang old script na ginawa ko na before which was Doon Lang na tungkol sa dalawang tao na nagtatagpo lang sa panaginip nila. Bumabangon sila, hindi nila kilala ang isa't isa pero alam nila na nagkita sila sa panaginip nila at gusto nilang hanapin ang isa't isa.
"Pero, ang sa movie namin, gusto nilang alamin kung paano sila magkikita.
Nagkukutsabahan sila sa panaginip nila, na ‘Sa paggising natin, dapat gawin natin 'to.’ Pero, ang nangyayari, nauudlot nang nauudlot ang pagkikita.
"Halimbawa, minsan ikinukuwento lang niya sa kaibigan niya 'yung panaginip, biglang dadaan 'yung lalaki sa likod. Tapos, siya pala 'yun, hindi sila nagkita, 'yung ganoon. As in, hindi nila alam ang pangalan ng isa't isa. Hanggang sa darating na sa puntong aabot na sa sukdulan. 'Yung susuko na ang isa sa kanila na parang, tama na. Parang dito lang tayo may forever, sa panaginip."
Sa end of April nakatakda ang shooting nila ng Jeje Vu sa South Korea sa capital city ng SK which is ang Seoul at sa Jeju island sila magsu-shoot for almost a week.
Dahil K-drama inspired ang theme ng movie, dapat Korean actor din ang leading man ni Arci sa Jeje Vu para mas maging authentic ang feel ng pelikula.
"Secret pa. Hahahaha!" excited na sabi ni Arci.
Say ni Direk Njel, "Ito po, storycon namin. Sa presscon, mari-reveal na po namin. Kasi, ngayon hinihintay lang po namin ang pirmahan ng kontrata."
Bago umalis patungong Korea ang team nina Direk Njel at Arci, hopefully, nakapirma na ang Korean actor na kukunin nila for the movie. Kaya magiging virtual na lamang ang contract signing ng Korean actor for the movie.
"Yes, he's a Korean," kinikilig na sagot ni Arci.
"Hindi po ako ang pumili sa kanya. Basta ibinigay siya ni Lord. Very optimistic lang akong tao.
I go with the flow and I believe like everything that happens in this world, talagang ibinibigay ng universe sa akin. So, kung ano 'yung dumating, nu'ng time na nag-uusap kami about this, ang galing!” aniya pa.
And then, tinanong namin si Arci kung ano ang nilo-look forward niya sa paggawa nila ng Jeje Vu project.
"Everything," sagot agad ni Arci. "This is something na I really love. So, hindi ako makapaghintay na mag-shoot na and also, this is my first time to be in Jeju. I've never been to Jeju. Lagi ko lang siyang napapanood.
"So, excited ako about everything. About the story that I want to share to the audience, to all my K-drama lovers and co-lovers and my co-Armies. Gusto ko silang dalhin sa… 'Yung mga tao nagme-message sa akin, 'Sana all nasa Korea,' ganyan. Gusto ko silang dalhin doon and I'm also looking forward working with another actor na hindi Pilipino, 'di ba? Everything in this movie is new to me," pahayag pa ni Arci.





Comments