Sa isang kondisyon… BOYET, GAME PA RIN MAKASAMA ULI SI NORA
- BULGAR
- Jan 14, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 14, 2023

Masaya si Christopher de Leon dahil nagkaayos na ang mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon. Kahit kasi paano ay naapektuhan si Boyet sa away ng dalawa na una niyang pamilya.
Naibahagi niya ang saloobin kaugnay sa isyu ng pagkakasamaan ng loob ng mag-ina.
Aniya, alam niya ang tungkol sa nangyari ngunit hindi na raw siya nakialam.
Kuwento ni Boyet, “I have friends na ikinukuwento sa akin. Actually, we never enjoy talking about other people. There are good or better news. Mas prone ako doon. It lightens up my day than talk about this negative stuff.”
Opinyon niya, emosyonal lang daw siguro ang magkabilang kampo noong panahong iyon kaya nauwi sa pagkakasamaan ng loob.
“They’re just emotional about the whole thing. There’s a lot behind it. There’s a lot behind what people are saying. I know the tension already. I know the background pero hindi naman ako makapagsalita because I’m not interested in dramas like that. Sabi ko nga, I try to stay away from that."
Sabi pa ng aktor, willing pa rin siyang muling makatrabaho ang Superstar depende sa proyektong kanilang gagawin.





Comments