top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Sa harap ng mister na si EA… SHAIRA, TINITIGAN NI JIMIN NG BTS, NAGTATATALON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 26, 2026



FRANKLY - SHAIRA, TINITIGAN NI JIMIN NG BTS, NAGTATATALON-IG _shairadiaz

Photo: IG _shairadiaz



Daig pa ni Shaira Diaz ang naka-jackpot sa lotto sa sobrang saya na makita niyang muli nang personal ang iniidolong South Korean boy group na BTS.


Dumayo ng Las Vegas si Shaira at mister na si Edgar Allan ‘EA’ Guzman para sa United States (US) leg ng Arirang concert ng BTS na naganap nitong Mayo 23 sa Allegiant Stadium.


Matatandaang last February ay sinorpresa ng aktor ang kanyang misis nang bumili siya ng tiket para sa nasabing concert.


Sa Instagram (IG) ng mag-asawa ay sunud-sunod ang mga posts nila ng mga ganap sa concert at talaga namang wala nang ginawa si Shaira kundi ang magsisigaw habang nanonood, as in nakakabinging tili.


Kitang-kita rin sa aktres ang sobrang kaligayahan na animo’y nasa cloud nine.

Caption ni EA sa isa niyang post, “Happy wife, happy life,” habang makikita si Shaira na pa-dance-dance pa bago magsimula ang concert.


Pero ang pinakanakakaloka at marahil ay isa sa mga hindi malilimutang moments ng aktres ay nang mapatitig sa kanya nang ilang segundo ang member na si Jimin during the BTS sound check, isang privilege sa mga VIP ticket holders dahil makikita nila ang kanilang idolo na nagre-rehearse sa venue bago magsimula ang concert.


Malapit sa stage ang puwesto ng mag-asawa at na-capture ni EA nang lumapit si Jimin sa may gawi nila at napatitig kay Shaira.


“Jimin & Jin lang naman ang napatitig sa ‘yo @shairadiaz. Proud hubby here!” caption ni EA.

Makikita rin sa video na nagtatatalon si Shaira matapos siyang titigan ni Jimin. Hahaha!

Matatandaang nanood din sina Edgar Allan ‘EA’ Guzman at Shaira Diaz ng concert ng BTS sa Goyang Stadium noong nakaraang Abril.





MAS pinagtibay ng ABS-CBN ang koneksiyon sa mga Pilipino sa buong mundo sa pangunguna ng BINI sa bagong digital campaign na ‘Together Forever’, tampok ang sarili nilang bersiyon ng kantang Dahil Sa ‘Yo.


Napapanood sa music video ang recording session ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, kung saan bida ang tagos sa puso nilang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilya na patuloy na tumatangkilik sa kuwento at musikang Pilipino saanman sa mundo.


Nagsisilbi itong official anthem ng kampanya para ipagdiwang ang pagiging ‘together forever’ ng mga Pilipino dahil maaari nilang i-enjoy ang mga minamahal nilang programa at makabuluhang karanasan kahit saan mang parte sila ng mundo sa mas pinalawak na online platforms ng ABS-CBN.


Handog ng ABS-CBN ang Together Forever campaign para ipagpatuloy ang layunin ng kumpanya na maabot ang serbisyo nito sa mas maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng online platforms nito.


Sa pamamagitan ng mga programa at artista ng ABS-CBN, nananatiling konektado ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa Kapamilya Online Live at iWant, kung saan hassle-free ang panonood ng mga paboritong Kapamilya programs na available online 24/7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page