Sa GMA-7 Gala Night… GOWN NI MARIAN, P1 M PLUS, ALAHAS NI HEART, MAHIGIT P12 M
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 2, 2022

Sulit na sulit ang halaga ng gown na isinuot ni Marian Rivera sa nakaraang GMA Thanksgiving Gala Night dahil sila ni Dingdong Dantes ang napiling Couple of the Night.
Ang black silver pleated gown ni Marian na Ralph and Russo ay nagkakahalaga ng US$21,943 na kung converted sa peso ay mahigit P1M.
Milyones din ang suot niyang jewelries na mula sa Chaumet at Dior. Ang kanyang isinuot na Christian Louboutin shoes ay P60,000.
Samantala, ang black gown naman ni Heart na Ashi Studio ay simpleng-simple lang pero bonggacious naman ang kanyang Bulgari jewelries na mahigit P12 M ang halaga. Mula sa kanyang necklace, bracelet at earrings ay punumpuno ng diamonds ang alahas na ginamit ni Heart sa GMA Gala Night.
Well, wala na ngang kakabog at papantay pa sa kasosyalan nina Marian at Heart sa nasabing GMA Gala Night. Hindi naman kasi madalas na nangyayari ang ganitong kalaking event na dinaluhan ng halos lahat ng Kapuso stars and news anchors.
Kauna-unahan itong big event ng GMA-7 bilang pasasalamat sa maraming blessings ng network sa kabila ng pandemya. Bahagi rin ito ng selebrasyon ng 72 years ng pagkakatatag ng GMA Network!





Comments