Sa gabi lang daw maganda… SIGAW NI KIM: EIFFEL TOWER, PARANG SA ABS-CBN LANG!
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 13, 2023

Isa sa mga hindi malilimutang moments ni Kim Chiu sa kanyang Paris trip with Xian Lim ay ang makita niya up-close ang Eiffel Tower sa gabi.
Matatandaang pumunta ng Paris ang celebrity couple nitong nakaraang Holiday Season at talagang nag-enjoy sila sa kanilang trip.
Ibinahagi ni Kim sa kanyang latest vlog ang pamamasyal nila sa Paris at isa nga sa mga highlights ng trip ay ang pagpunta sa Eiffel Tower.
“Sobrang ganda! Grabe, nakakaiyak!” bulalas niya habang nasa harap ng sikat na tourist attraction.
“So pretty!” sambit pa ni Kim.
Natawa kami nang sabihin niyang maganda pala sa gabi ang Eiffel Tower pero sa umaga raw ay parang tower lang ng ABS-CBN.
Dahil sa pandemic, ngayon lang ulit nakapag-Holiday travel ang KimXi kaya naman masayang-masaya sila.
Marami nga raw siyang bagay na na-realize because of the pandemic at isa na rito ang kahalagahan ng oras.
“Two years ng pandemic really made us think lalo na sa akin. Time is really important na hindi mo na maibabalik kung anuman ang nagawa mo before or hindi mo na masasabi kung anuman ang nasabi mo dati dahil hindi mo alam ang mangyayari next day, bukas, next week, next month, next year.
“So, time is really running and time will not really wait for you. Ikaw talaga ang gagawa ng mga bagay na gusto mo sa buhay mo,” ani Kim.
“It’s really a precious gift, ang oras, oras for friends, loved ones and family. So, I take this holiday as reflection na rin of what I want to do.
“Or take this kung ano ang goals natin for 2023 and kung ano ang gusto nating mangyari kasi maganda ‘yung mag-set tayo ng goal for the entire year, next year, tomorrow or next week.
“Start tayo like second week of January. This is my goal. Isulat na natin lahat ng mga goals natin sa buhay dahil sa one to one hundred or one to ten na mga goals na meron ka, mangyayari talaga ‘yung mga lima or anim or kung masipag ka talaga at very focused ka talaga, makaka-ten ka,” dagdag pa ni Chinita Princess.





Comments