Sa first regular session ng 19th Congress… KARLA, PROUD NA KUMANTA NG NATIONAL ANTHEM
ni Nitz Miralles - @Bida | July 28, 2022

Iba na ang mundo na ginagalawan ni Karla Estrada kumpara sa mga kasama niya sa morning show na Magandang Buhay ng ABS-CBN. Nasa pulitika na nga si Karla bilang member ng Tingog partylist.
Kundi politicians, mga galing sa pulitika ang nakakasalamuha at nakakasama ngayon ni Karla.
Sa nakaraang opening ng first regular session ng 19th Congress, si Karla ang kumanta ng Philippine National Anthem.
Sabi nito, “It is with great honor to have the opportunity to lead the singing of the National Anthem during the opening of the 19th Congress.
"I have high hopes for this country. Dasal ko po na magampanan ng ating mga mambabatas ang kanilang tungkulin para sa ating bayan. Congratulations to our President Bongbong Marcos for his very first SONA. We got your back, Sir! And of course to my dearest Kababayan, Martin Romualdez, representative of Leyte’s 1st District be installed as the Speaker of the House. Nakaka-proud na maging bahagi ng historical moment na ito! Mabuhay ang Pilipinas!”
Pero, hindi pa naman tuluyang tinalikuran ni Karla ang showbiz. In fact, kasama siya sa cast ng Maid in Malacañang na may premiere night bukas, July 29, at sa August 3 ang playdate.
Isa sa mga maids ang role ni Karla at siya nga raw ang title role, siya ang maid na tinutukoy sa movie.





Comments