Sa filmfest award sa Tate... WINWYN,' DI MAKAPANIWALA NA NANALONG BEST ACTRESS
- BULGAR
- Oct 17, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 17, 2022

Sobrang overwhelmed at hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez nang manalo siyang Best Actress sa pelikulang Nelia na isinali sa 12th International Film Festival sa Manhattan, New York (Feature Film).
Masayang-masaya ang pamilya ni Winwyn sa kanyang natanggap na award. Dream come true para kay Winwyn ang kanyang Best Actress Award. Kauna-unahan niyang lead role ang Nelia at iniaalay niya ang kanyang award sa mga magigiting na frontliners na nagsakripisyo noong panahon ng COVID pandemic.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Winwyn sa AQ Productions producer na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quinio na nagtiwala sa kanyang kakayahan.
Aware si Winwyn Marquez na malaki ang expectation ng mga moviegoers sa susunod niyang project na gagawin. Pero sa halip na ma-pressure, nagsisilbi raw itong challenge at motivation upang pagbutihin pa niya ang kanyang pagganap.
Pangarap ni Winwyn na makatrabaho ang mga veteran at premyadong artista. Gusto rin niyang makaganap sa isang action-suspense movie. Handa siyang sumabak sa martial arts training kung kinakailangan.





Comments