top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kasama, inaantok na raw… KRIS, 4 AM NA, GAME NA GAME PA RIN SA SHOOTING

Writer: BULGAR
BULGAR
33 minutes ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 2, 2026



BULGARY - KRIS, 4 AM NA, GAME NA GAME PA RIN SA SHOOTING-IG _jacksalvador

Photo: IG _jacksalvador



Unti-unti nang nakakabalik-showbiz si Kris Aquino matapos ang matagal na pagtutok sa kanyang kalusugan.


Isang sulyap dito ang ibinahagi ni Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora, na nakasama ni Kris sa isang shoot na natapos ng alas-4 nang madaling-araw.


Ikinuwento ng doktora kung paano niya nakita ang paghahanda ni Kris bago ang trabaho, mula sa pagbangon, pag-aayos at pagbiyahe kasama sina Bimb, mga nurse, staff at iba pang doktor.


“I saw her get up from bed, get styled and made up. Then we—Bimb, her nurses, staff, other MDs, & I, in three separate vehicles—made our way to IKEA,” wika niya.

Sa biyahe, napag-usapan nila ang mga kagustuhan ni Kris, ang unang solo endorsement ni Bimb bilang adult at ang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente sa Philippine General Hospital (PGH).


“She asked me what PGH patients needed. ‘Kailangan ba nila ng Safeguard soap? Patient gowns?’ Papunta kami sa work n’ya, pero iniisip pa rin n’ya kung paano makatulong. Then I watched her put her game face on,” dagdag niya.


Kahit masakit ang tuhod, tuluy-tuloy si Kris sa trabaho.

Sey pa nito, “The shoot ended around 4 AM. She only paused once to sit down briefly. Meanwhile, kaming mga kasama n’ya were already sitting on the sides kasi pagod at antok na.”


Dagdag pa ni Dr. Ging: “Pero si Ate Kris, tuluy-tuloy. Game na game s’ya, despite the pain in her knees. She really is a different person in front of the camera. It’s almost as if she forgets her illness and pain. Like, for those few hours, none of it exists. It’s kind of magic, tbh (to be honest).”


Pagkatapos ng shoot, nagkaroon din sila ng makahulugang sandali bago maghiwalay.


“After the shoot, we went back to her place. As we were about to part ways, we hugged, & I said, ‘I’m so proud of you, Ate Kris.’ She answered, ‘Look how far we’ve come.’ And this is why I’ll never hear this song (You’re Still the One) as a romantic love song again. It’s now my song for Ate K. For watching her try so hard to make it, over and over again, despite the odds. For her boys,” aniya.


Kamakailan ay muli ring naging ambassador si Kris ng isang e-commerce platform at lumabas sa endorsement ng isang multinational furniture at home-furnishing company kasama si Bimb.


Target din niyang maging mas aktibo sa 2027, kabilang ang posibilidad ng pagbabalik-acting sa isang micro-drama series.


Para kay Kris, malaking bagay ang pagiging aktibo sa kanyang mood at well-being dahil lumalakas daw siya.





Not once but many times daw… 

RYZA, SINASAKTAN NA NG CO-STAR, TODO-TANGGAP LANG



Hindi man nagbanggit ng pangalan, nagbigay si Ryza Cenon ng sulyap sa mga hindi magandang karanasan niya sa showbiz noong newbie pa lang siya, kabilang ang umano’y power tripping mula sa ilang mas established na personalidad.


Sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ikinuwento ng aktres na hindi lang isang beses na nakaranas siya ng hindi magandang treatment habang nagtatrabaho sa iba’t ibang shows.


“Marami pong instances. Iba-iba pong shows,” kuwento niya.

Isa sa mga binanggit niyang karanasan ay nangyayari umano mismo sa mga eksena, kung saan may mga pagkakataong nagiging masakit na para sa kanya ang ginagawa.


“Sa eksena po, du’n minsan, totoo na po ‘yung ginagawa na sinasaktan ka, ganyan,” bahagi niya.


Sa halip na gumanti o makipagsabayan, pinili raw ni Ryza na manahimik at palagpasin na lamang ang nangyari.


“Umiiyak na lang po. ‘Di po ako lumalaban,” pakli ng aktres.

Pero may mga pagkakataon din umanong nagsumbong siya tungkol sa mga naranasan.

Aniya, “Nagsusumbong naman po, pero s’yempre, dahil nag-i-start pa lang ‘yung show, ganyan.”


Sa kabila ng mga pinagdaanan, pinili ni Ryza na huwag tumbasan ng parehong pag-uugali ang mga taong hindi naging maganda ang pakikitungo sa kanya.

Hindi rin nagbigay ng mga pangalan ang aktres, kaya nananatiling blind item ito.

Sa ngayon, balik-teleserye si Ryza matapos ang ilang taong pamamahinga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page