BOSS VIC, IBINUKING NA ‘DI MAGKAAWAY SI SARAH AT PARENTS

ni Nitz Miralles @Bida | October 2, 2026

Photo: IG _nikkamgarcia
Binigyan na naman ng double meaning ng mga fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang pahayag ni Vic del Rosario ng Viva.
Sabi ni Boss Vic, next year na magtatrabaho si Sarah.
“Next year, magtatrabaho na. ‘Yun lang ang masasabi ko. Ayokong manggaling sa ‘kin, parang alam na naman ng tao na ‘di s’ya magtatrabaho. Hanggang du’n lang. Sa ngayon, hindi pa siya puwedeng magtrabaho. She’s enjoying her happy life,” sey ni Boss Vic.
Ayon sa mga fans, kulang na lang ay kumpirmahin ni Boss Vic na buntis si Sarah kaya hindi muna puwedeng kumayod. Pero, hindi siya ang dapat magkumpirma nito at dapat ay sina Sarah at Matteo ang mag-announce.
Matatandaang na-announce na may gagawing concert this year si Sarah at nabalita pang may reunion movie sila ni John Lloyd Cruz. Hindi na muna matutuloy ang dalawang projects na ito dahil nga sa balitang preggy na si Sarah.
Natanong din si Boss Vic sa reunion ni Sarah at ng parents nito sa 38th birthday ng singer-actress. Ayon kay Boss Vic, maling akala raw na hindi bati ang mag-anak dahil nag-uusap sina Sarah at parents nito, hindi lang nababalita.
Na-interview si Boss Vic nang tumanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) last Wednesday, sa closing ng celebration ng Philippine Film Industry Month.
Todo-patutsada kay Patrick sa pagiging ama…
DENNIS, NAGHAMON NG DANCE SHOWDOWN, BIGLANG BAWI RIN
NAPANOOD ni Dennis Trillo ang guesting ni Patrick Garcia sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at sa hirit ni Boy Abunda na i-describe ni Patrick ang sarili as a father, na sinagot nito ng “Dedicated,” may reaction ang mister ni Jennylyn Mercado.
Sabi ni Dennis, “Mahilig din akong mag-dedicate ng mga kanta as a father.”
Instant ang reaction ng mga netizens na, “Solid! May point,” “Natatawa ako sa lahat ng patama n’ya, sapul,” at “Naku, baka ikaw ang balikan n’yan, ikaw naman ang mamroblema.”
Actually, natutuwa ang mga netizens sa mga hirit ni Dennis patungkol kay Patrick dahil may kasamang humor, kaya hindi nai-stress ang nakakabasa.
Sample pa ng hirit ni Dennis, “Dance showdown na lang tayo, eh!”
May binanggit pa itong, “Kapag naka-10K likes... ituloy natin ang dance battle,” at “Puch*, parang aabot nga ng 10K, ah, 7K na, eh.”
Later on, sabi nito, “Joke lang po, ‘wag n’yong seryosohin. Walang showdown na magaganap.”
Dahil patuloy na tumataas ang likes sa post niyang ito, napa-comment si Dennis ng “Basta kalokohan ang bilis n’yo rin ano,” at sinundan pa ng “‘Wag kayong umasa, walang magaganap na showdown! Alam na naman natin sino ang mananalo, joke lang po.”
Dahil sa mga hirit na ito ng aktor, nagtatawanan ang mga netizens at nawawala ang inis ng mga supporters niya kay Patrick. Nagiging tsikahan ng magkakaibigan ang nangyayari, nawawala ang init ng ulo kay Patrick.
Mukhang magtatagal pa ang isyung ito. Abangan natin ang mga hirit pa ni Dennis at mukhang marami siyang baon.
BIDA sa GL (girls’ love) movie na Unang Pasok sina Mayumi de Vera at Kim Yashii, sa direction ni Ray Gibraltar.
Palaban ang dalawa sa sexy scenes nila. Maingat daw sila sa mga eksena at si Kim ang personal na naglalagay ng plaster sa kanyang private parts.
Ang kagandahan sa movie nina Kim at Mayumi, pareho silang babae, kaya kampante na gawin ang mga eksena.
Samantala, nakakatuwa si Mayumi, isinasabay ang studies sa showbiz. Nagpa-part-time siyang barista sa isang coffee shop.
“Ako na po ang nagpapaaral sa sarili ko, sinabi ko sa tatay ko, ako na ang bahala sa studies ko, self-supporting ako,” pagmamalaki nito.
Well, dream ng dalawa na makatawid sa mainstream at naniniwala na bibigyan sila ng Viva ng chance to do films. Habang hindi pa dumarating ‘yun, gagalingan muna nila ang trabaho sa VMX.





Comments