top of page
Search
  • BULGAR

Sa fan meet ni Seo In-guk… KRISTEL, UMAMING WALANG ENERGY, PINALITAN BILANG HOST

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 17, 2023



Nag-explain na si Kristel Fulgar sa kanyang YouTube Channel kung bakit hindi natuloy ang pagho-host niya sa fan meeting ng Korean actor na si Seo In-guk dito sa Manila.


Panimula niya, “Hindi ako binigyan ng second chance.”


Ang pumalit sa kanya ay ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Karen Bordador.


Ayon kay Kristel, ang Korean technical director ng Seo In-guk's fan meet ang nagpapalit sa kanya dahil nakita raw nito na wala siyang energy nu’ng nagre-rehearsal sila.


Nagulat na lang daw siya nang hindi siya ang tinawag sa stage kundi si Karen para mag-host.


“Nag-e-expect ako na papaakyatin ulit ako sa stage para maipakita ko ‘yung 100 percent [energy] na sinasabi ko pero hindi raw. Hindi man lang ako binigyan ng second chance.”


Nalungkot daw talaga siya at disappointed sa nangyari.



Nag-apologize si Kristel sa kanyang mga fans at supporters na excited sanang mapanood siya that time.


“Nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako ‘yung haharap sa kanila. I'm so sorry, guys,” ang maluha-luhang sabi ng aktres.


Kahit na ganu’n ang nangyari, nagkaroon pa rin naman ng pagkakataon si Kristel na ma-meet nang personal ang Korean actor na si Seo In-guk at inihayag mismo nito na nalungkot siya sa insidente.


Ibinahagi rin ni Kristel ang larawan nila ng Korean actor at ang duet na ginawa nila sa hit song nitong All For You.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page