Sa edad na 81 at 73… NOEL AT LIZA, NAGHALIKAN IN PUBLIC
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 9, 2022

Hindi kaila sa mga nakapanood na ang trailer na hahakot ng awards at malaki ang tsansa na kumabig din sa takilya ay ang Family Matters dahil alam naman nating mahilig sa ganitong klase ng kuwento ang mga manonood.
Sa bawat karakter kasing ginagampanan ng mga kasama sa Family Matters ay maraming mga anak ang nakaka-relate at gayundin ang kanilang mga magulang na ginagampanan nina Noel Trinidad (81) at Liza Lorena (73).
Sa edad na ito ni Noel, seryosong sabi niya sa nakaraang mediacon ng FM, “Palagay ko, magtatagal pa naman ako nang konti."
Pero baka raw ito na ang last film niya.
"I always say ito na siguro ang last hurrah for me. One reason is my hearing problem. If this will be my last hurrah, this will be a terrific honor to have this as my last hurrah.”
Inamin ng beteranong aktor na ang pagkakaroon niya ng problema sa pandinig ang nagpahirap sa kanya habang isinu-shoot nila ang Family Matters na idinirek ni Nuel Naval.
Pero sa kabila ng hearing problem niya, kuwento ng beteranong aktor, "Doon mo makikita ang samahan namin. They were patient with me and helpful. We love one another."
Dagdag pa, “This movie is most difficult in terms of scheduling. Malayo ang bahay ko sa set.
Ang hirap but it’s the most pleasant I’ve ever experienced because of these people. We were one big, happy family.
“During breaks, meron kaming sayawan. Nakasama na nga ako sa TikTok at kung ano pa ang itinuturo nila sa akin. Kahit na mahirap, ang saya-saya namin.
“Kaming dalawa ni Liza, we spend the time singing old songs. Nagko-contest kami. 'O, eto alam mo?' I would sing one and then I would sing another. While we are doing that, two of the young people would be dancing. They were doing it in a modern dance. So that’s what we do while waiting for the scenes.”
Samantala, aliw na aliw ang lahat sa tambalang Noel at Liza dahil game na game silang nag-kiss sa harap ng media/vloggers na dumalo sa mediacon ng Family Matters na produced ng Cineko Productions at entry ito ngayong Metro Manila Film Festival 2022.
Biro ni Liza, “Naku, marami kaming bed scenes din (bukod sa kissing scenes).”
Hindi naman daw nagseselos ang asawa ni Noel at sa katunayan ay magkasundung-magkasundo sila ni Liza.
“Inaalagaan nila akong dalawa, wife number 1 and wife number 2. My wife and Liza were okay,” sey ni Noel.
Anyway, kasama rin sa Family Matters sina Mylene Dizon, JC Santos, Nikki Valdez, James Blanco, Ian Pangilinan and Agot Isidro.
Mapapanood ang pelikula simula sa Disyembre 25 at binigyan ng MTRCB ng rating na G o suitable for all audiences.





Comments