Sa edad na 70… SEN. LITO, GUSTONG MAGPA-STEM CELL
- BULGAR

- 9 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 15, 2025

Photo: File / Sen. Lito Lapid
Seventy years old na pala ang aktor-senador na si Sen. Lito Lapid na tinaguriang “Bida ng Masa” dahil sa pagsusulong ng mga mungkahing mag-aangat sa living standard ng mahihirap.
Pero nang makita namin siya sa Thanksgiving party na ibinigay niya kamakailan sa press, matikas pa rin ang aktor-senador at kayang-kaya pa nga at may ibubuga pa sa action scenes.
Kaya naman tinanong namin si Sen. Lito kung nakapagpa-stemcell na ba siya dahil parang ang lakas-lakas pa rin niya.
Sagot nito, “Hindi pa nga eh. Gusto ko ngang subukan.”
Why not?! Marami naman nang taga-showbiz ang gumawa niyan.
Isa rin sa mga naitanong namin kay Sen. Lito ay ano ang reaksiyon niya na very open na ngayon sa kanilang relasyon ang anak-anakan niyang si Coco Martin at ang long-time partner nitong si Julia Montes.
Ayon sa senador, nu’ng magkasama pa sila ni Coco sa Ang Probinsyano ay hindi rin naman niya nakikita si Julia noon. At ngayong open na ang dalawa, matagal na rin daw silang hindi nagkikita ng anak-anakan.
Tinanong din namin si Sen. Lito kung ‘yun bang nababalitang mga anak daw nina Coco at Julia ay nakita na niya.
Sagot naman nito, “Hindi ko pa nakita, kaya wala akong maano (masabi).”
Anyway, naibalita rin ni Sen. Lito na sa January, 2026 ay magse-celebrate naman sila ng kanyang misis ng kanilang 50th anniversary, kaya nga nagbiro pa itong loyal husband daw talaga siya.
Eh, di lodi! Hahaha! Ikaw na, Sen. LL!
MAY nasabihan na raw ng “Love you so bad” ang bida ng MMFF movie na Love You So Bad na si Bianca de Vera, pero sa movie nga lang nila ito nina Dustin Yu at Will Ashley.
Ito ang sagot ni Bianca nang makapanayam namin kamakailan sa Spotlight presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic bilang isa sa mga artists ng talent management ng ABS-CBN.
Kaya kung sino sa dalawa niyang leading men ang sinabihan ni Bianca ng “Love you so bad,” ‘yun ang dapat panoorin sa kanilang movie na showing na sa Dec. 25.
Pero in real life, wala pa raw nasasabihan nang ganu’n si Bianca kundi family and friends.
However, aminado siyang grabe siyang magmahal at talagang ibinibigay niya ang lahat.
When asked kung naging crazy in love na rin ba siya, inamin ni Bianca na oo at part naman daw talaga ‘yun ng growing up, pero hindi na niya sinabi kung kanino siya na-crazy in love.
At sa tanong namin kung ano’ng naging realization niya para masabing ‘enough’ na sa pagiging crazy in love, aniya, “Siguro nu’ng nararamdaman ko na na parang nawawala na ako sa sarili ko. When I realized na wala nang natitira para sa akin.”
At nu’ng na-feel siguro nito na nagiging deep na ang sagot niya, biglang bumawi ng “Ako, ang masasabi ko lang d’yan, panoorin n’yo ang Love You So Bad, marami kayong mapi-pick-up diyan.”
Well, napanood namin ang trailer ng entry ng Star Cinema, GMA Pictures at Regal Entertainment sa MMFF 2025 at masasabi naming mukhang hahatak nga sa mga bagets crowd ang movie at may potential talagang maging next big stars sila dahil sa kilig na hatid ng kanilang love triangle.
Mula sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar ang Love You So Bad.

BLIND ITEM: ‘Di na sila marerekonek…
GAMIT SA BAHAY NG AKTRES, BINAWI NG RICH POLITICIAN BF NANG MAG-BREAK, IPINARETOKENG ILONG NA LANG ANG SOUVENIR
TAWANG-TAWA kami sa kuwento ng aming very reliable source but at the same time, naawa rin kami sa isang aktres na binawian ng gamit ng kanyang rich politician boyfriend nang maghiwalay sila.
Kuwento ng aming source, nu’ng mahal na mahal pa nila ang isa’t isa, todo-bigay ang rich politician sa girlfriend na aktres. Spoiled ang aktres kahit na ano’ng hilingin nito — luhong bags, shoes, alahas, etc., gamit sa bahay at pati nga pagpaparetoke ng mukha ng aktres ay sinagot ng rich BF.
Ang siste, nang maghiwalay na sila, binawi raw ng rich politician ang lahat ng ibinigay niya sa aktres. Ultimo ‘yung sofa sa condo kung saan sila nag-live-in ay binawi ng guy.
Ang hindi na lang daw nito mabawi ay ‘yung ipinaretokeng ilong ng aktres. Hahaha!
Pero eto na, dahil maraming alam ang aktres tungkol sa mga secrets ng rich politician, mukhang sinusuyo uli ito ng guy. Pero hindi para balikan kundi para patahimikin sa kanyang mga nalalaman tungkol sa mga anik-anik sa buhay ng rich politician.
Sa ngayon, may iba nang girlfriend ang rich politician, matangkad na girl na hindi naman bagay sa kanya dahil ‘pag magkasama sila, nagmumukhang bansot ang guy.
Kaya naman, wala nang maaasahang magrerekonek pa ang aktres at ang rich politician dahil ipinagpalit na nga siya sa iba.
‘Yun na!








Comments