top of page

Ibinuking ni Ai Ai, no choice… EMPOY, UMAMING MAY MATAGAL NANG NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 11, 2026



Empoy Marquez

Photo: Empoy - FB



No choice ang komedyanteng si Empoy Marquez na amining may long-time girlfriend na siyang non-showbiz nang kantiyawan namin sila ng co-star niya sa pelikulang Batang Paco na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas kung posible bang ma-in love sila sa isa’t isa.


Ani Ai Ai, hindi sila talo ni Empoy kahit mas bata ito sa kanya at puwede silang ma-link dahil nga lagi siyang nali-link sa mga mas batang guys.


Ibinuking ng Comedy Queen na may non-showbiz GF si Empoy at parang anak na lang ang turing niya rito.


Hindi naman idinenay ni Empoy na may karelasyon nga siya pero dahil non-showbiz ito, hindi na raw kailangang maisapubliko pa.


Tinanong nga namin si Empoy kung tanggap ba ng girlfriend niya ang trabaho niya bilang artista, at sagot ng komedyante, “Siyempre, bago naman pumasok sa ganu’ng relasyon, alam naman niya ‘yung trabaho ko, so respect lang.”


Sa tanong namin kung okay lang ba sa GF niyang hindi niya inihaharap sa publiko, pabirong sagot nito, “Okay lang kasi lagi namang nakatalikod ‘yun. Talikodgenic ‘yun, eh.”


Gayunman, tiniyak ni Empoy na kapag nagpakasal naman siya, ise-share niya ito sa publiko.


Sa ngayon, may sarili nang bahay si Empoy na katas ng kinita niya sa showbiz. Pero nilinaw niya na ‘yung mga naglabasang mansion sa social media na sinasabing bahay niya matapos mag-box office hit ang Kita Kita movie nila ni Alessandra de Rossi ay fake news.


Isa si Empoy sa mga super-bait at down-to-earth celebrities kahit pa may napatunayan na rin siya sa showbiz at ngayon nga ay bida uli sa comedy film na Batang Paco na showing in cinemas on Feb. 18.


Ang nasabing proyekto ang kauna-unahang handog ng MiVida Productions at maituturing na kanilang statement piece.


Kasama rin nina Empoy at Ai Ai sa Batang Paco sina Mon Confiado, Ynez Veneracion, Chichi Rita at Cassy Lavarias, pati sina Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.




Sikat na personality na nasa pamilya ng mga pulitiko, dawit… EDU, DINAYA RAW SA GOLF, NAG-RANT SA SOCMED



Nagulat ang maraming netizens at golf fans nang mag‑post si Edu Manzano sa kanyang Instagram account para ihayag ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na Mango Tee 38 Golf Tournament na ginanap kamakailan sa Alabang Country Club.

Sa kanyang post, mariing sinabi ni Edu na “cheating ang nangyari at hindi patas ang laro”. 


Binanggit niya rin na ang golf ay isang laro ng honesty at integridad, kaya’t nakakalungkot daw na may ilang grupo na nakakuha ng sobrang laking scores na ‘di pang-karaniwan, dahilan para ma‑disqualify ang ilang teams at mabawi ang kanilang awards.


“Kung sa simpleng laro ng golf, may daya, paano pa kaya sa totoong buhay kung may mas malaking stakes?” ani Edu.


Dagdag pa niya, “This is how corruption survives, not only through giant scandals but through small dishonest acts people excuse because 'laro lang.'”


Ayon sa mga reports, may mga teams na kinabibilangan ng kilalang personalidad mula sa pamilya ng mga pulitiko na na‑disqualify dahil sa highly unusual na score submissions, at nagdulot ito ng malaking kontrobersiya sa tournament. 


Dahil dito, marami ang nakadama ng panghihinayang at nagkomento online tungkol sa hindi patas na laban.


At dahil kilala si Edu sa pagiging vocal lalo na sa mga ganitong isyu, nagbigay siya ng kanyang opinyon upang maging aral sa mga golf players at iba pang sports enthusiasts.

Sa kanyang post, pinayuhan niya rin ang mga manlalaro na huwag basta‑basta i‑compromise ang integridad sa laro, kahit maliit na stakes ang pinag-uusapan.


Sa social media, nag‑viral ang post ni Edu at marami ang pumuri sa kanyang pagiging matapat at vocal. 


Ang ilang netizens ay nagsabing “Nakaka-proud si Sir Edu,” samantalang may ilan ding nag‑debate kung paano maiiwasan ang ganitong klase ng insidente sa mga susunod na tournaments.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page