Ibang-iba raw sa mga ex niya… ASHLEY, ‘BABY BOY’ LANG ANG TINGIN KAY MAVY, PINATULAN PA RIN
- BULGAR
- 2 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 11, 2026

Photo: Mavy Legaspi at Ashley Ortega - Instagram
“Oh, my God! Baby boy lang ang tingin ko sa ‘yo!” ang nasabi ng aktres na si Ashley Ortega sa kanyang boyfriend na aktor na si Mavy Legaspi na ibinahagi niya nang mag-guest siya sa YouTube (YT) channel na Your Honor (YH).
Kuwento ni Ashley, “Actually, si Mavy is something new. Kasi mas bata s’ya sa akin. First time ko magkaroon ng boyfriend na 3 years ang age gap namin. I’m 27 now at si Mavy, kaka-25 n’ya lang.
“And lahat ng past boyfriends ko, talagang older than me. Seven years older, 5 years older. So, si Mavy talaga ‘yung something new. And actually, sa lahat ng dating life ko, one thing talaga na lagi kong sinasabi sa sarili ko na, ‘Ayaw ko ng mas bata.’
“Siguro, isa sa mga natutunan ko is ‘wag kang magsalita nang tapos kasi you never know.
“Sobrang unexpected talaga kay Mavy. Nu’ng nililigawan n’ya ako, sinasabi ko talaga, ‘Oh, my God! Baby boy lang tingin ko sa ‘yo.’ Nagagalit s’ya. ‘Oh, my gosh! How dare you say that to me?’ sabi n’ya. ‘Can you stop calling me that?’”
Paliwanag niya, “Pero one thing na kaya na-in love rin ako kay Mavy is ‘yung consistency n’ya talaga, ‘yung eagerness n’ya. Parang I think, ‘yun ‘yung difference ng mas matanda at saka mas bata.”
Well, mukha namang sweet and loving si Mavy Legaspi tulad ng mother dearest niyang si Carmina Villarroel.
NAGPAKITA ng malasakit sa mga kababayang nasunugan sa Tawi-Tawi ang aktor-senador na si Sen. Robin Padilla matapos niyang magbahagi sa Facebook (FB) ng larawang nagpapakita ng perang winithdraw niya mula sa sarili nilang ipon ng misis niyang si Mariel Rodriguez-Padilla para sa tulong-pinansiyal.
Saad ni Sen. Robin sa post niya: “Bismillah. Allah hu akbar.
“Tumawag na ako sa mga kapatid sa DSWD para humingi ng tulong para sa Bongao. Sinubukan kong makapunta ng Tawi-Tawi noong Sabado at Linggo.
“Fully booked ang mga flight, wala ring mahiraman ng eroplano. Sinubukan ko makisakay sa Air Force, gamit naman ng OP sa relief operation.
“Wala akong choice kundi ipadala na lang sa consultant ko na si Engr. Kerwin Hamjani ang nakayanan ko sa sarili naming pera ni Mariel na magpadala ng financial support.
“In shaa Allah ay makatulong sa ating mga kapatid na nasunugan.”
Samantala, ini-repost naman ni Mariel ang post ng kanyang loving husband na may caption: “Noong Friday, nag-alert ‘yung phone ko na may withdrawal sa bangko.
Akala ko na-scam kami. ‘Yun pala, nag-withdraw s’ya ng savings para sa Tawi-Tawi.
“Galing po sa puso n’ya ‘yan. Si Robin, ‘di nagbago. ‘Di nasilaw sa kung ano man. Pinahanga ako.”
In fairness kay Sen. Robin Padilla, matulungin talaga siya sa nangangailangan.
MAY mensahe ang TV host-journalist na si Susan Enriquez sa mga pulitikong naglalagay ng kanilang larawan sa mga proyektong ginagawa nila.
Sey ni Susan, “Dapat lang naman ay walang mukha ng mga pulitiko ang anumang proyektong pambayan.
“Dahil pera ng taong bayan ang ginagastos d’yan, ‘di pera nila.
“Kaya walang dahilan para ilagay nila ang mukha nila sa anumang karatula ng mga proyektong gobyerno. ‘Yun lang.”
Korek ka d’yan, Susan! Kaya naman si yours truly, “Kay Susan tayo!” pa rin!
NAGBAHAGI ng saloobin ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa kanyang social media post tungkol sa kanyang ika-50th birthday.
Sey ni Chito, “50 na ‘ko. Nu’ng bata ako, feeling ko, ang tanda-tanda na ng 50. Tipong lolo ka na.
“Actually, ganu’n din ‘yung 30 para sa akin dati, lalo na ‘yung 40. Paano pa kaya ‘yung 50?
“When my uncle turned 40, we were like, ‘Tang-*na, ang tanda mo na. Grabe.’ Tapos tawanan kami kasi ‘di kami makapaniwala. Parang joke talaga na sobrang tanda na n’ya.
“Ngayon, 50 na ‘ko. Honestly, feeling ko, nasa college pa rin ako, trying my best to act like an adult, trying my best to eat healthy, to provide and take care of my family, and just trying my best to be responsible.
“Actually, I don’t mind being old. Siguro dahil kuntento ako sa buhay. Wala akong regrets at sobrang na-enjoy ko ‘yung biyahe, kahit magulo minsan, kaya masaya ako kung nasaan ako ngayon.
“I have a beautiful wife who takes care of me, na parang s’ya pa ‘yung naka-jackpot sa akin, and I have three wonderful children na sobrang bait at nakakatawa, kahit minsan ay super-kulit.
“I enjoy my job, partying with my childhood friends, nerds pretending to be rockstars, getting paid more than we deserve just to travel, have fun, and still have time to pick my kids up from school.
“I’m healthy and happy. Wala akong boss kundi si God at ang asawa ko, and I’m in a position in life where ang priority ko na lang ay ang kaligayahan, kalusugan, at kapakanan ng pamilya ko. And that makes everything in life super simple.
“Kaya for my birthday, wala na akong hihilingin pa. Cheers!”
Super-bait talaga bilang mister at ama ang dyunak ng University of the East (UE) college dabarkads ni yours truly na si Nora Yanga Miranda.
‘Niwey, cheers and happy birthday, Chito Miranda of Parokya ni Edgar!
‘Yun lang, and I thank you.




