top of page

Pulutan sa family gatherings kaya no show lagi… IZZY AT MGA KAMAG-ANAK, ‘DI TANGGAP ANG ANAK NIYANG BADING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 minutes ago
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | February 11, 2026



Izzy at Sofia Trazona - FB

Photo: Izzy at Sofia Trazona - FB



May nakapagtsika sa amin na isa pala sa mga rason kung bakit hindi na ganoon ka-excited si Sexbomb Izzy sa mga reunion-reunion ek-ek ng nasabing grupo ay dahil sa personal na dahilan. 


Although lumabas nitong huling concert ng Sexbomb si Izzy, sa ‘singing portion’ lang daw ito sumali at never nagsayaw.


May kinalaman nga raw kasi ang transman nitong anak, na very active sa socmed (social media) lalo’t sa LGBTQIA+ community o mga chat groups.


May isyu kasing hindi umano tanggap ni Sexbomb Izzy at mga kaanak nito ang anak sa ganoong preference, plus may usapin pa raw sa kanilang relihiyon.


Sa nabasa naman naming post ng anak nitong may gamit na name na Sofia ‘Andrei’ Trazona, kaya raw pala hindi ito dumadalo sa mga family gatherings nila ay dahil laging siya ang sentro ng usapan at intriga. Hindi niya raw kaya pang saktan ang damdamin ng ina. Hindi na rin daw sila nagkikita ng mama niya. 


Sa huli, sinabi pa niyang ‘acceptance’ lang naman daw ang nais niya.

Nakakalungkot, pero totoo po na napakahirap ng nasa ganitong sitwasyon.



“WHETHER she admits it or not, nagpagamit at ginamit din n’ya for publicity,” reaksiyon ng netizen sa naging pagsagot ni Anne Curtis sa lumang isyu nu’ng 2013 kung saan humirit siya ng “I can buy you, your friends and this place!”


Sa mga nakakaalala pa, ito ay isang insidente sa isang Makati bar kung saan nga nakainitan diumano ni Anne si Phoemela Baranda and her friends, na may John Lloyd Cruz pa on the side.


Ngayong 2026, gamit na gamit ang insidente dahil may ipino-promote na movie si Anne kasama si Jericho Rosales.


Nag-iba na ang narrative ng istorya. Kahit si Phoemela ay may iba na ring sinasabi. 

Pero bongga si Anne Curtis dahil ‘inako’ na niya ang iconic lines na never naman daw pala niyang sinabi at all. Pero dahil naging markado nga’t inia-associate ito sa kanya, might as well ‘akuin’ na nga lang.


Well, anything for publicity and promo talaga, ‘noh? Sana nga lang ay makatulong iyon lalo’t nagawan pala ng paraan na pababain ang presyo ng sine.



MAPAPANOOD na rin pala sa Netflix ang latest TV series ni Papa Dingdong Dantes sa GMA-7.


Inilabas ng Netflix ang line-up ng mga programang dapat abangan sa streaming platform, at kabilang dito ang pinakahinihintay na pagbabalik-serye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang The Master Cutter (TMC)


Sey ng ilang netizens, “Nakaka-excite dahil alam mong kalidad ang mga projects ng isang Dingdong Dantes.”


Gaganap dito si Dingdong bilang isang sastre na may kakaibang misyon, na talaga namang inaabangan ng maraming fans. 


Noong huli naming makatsika si Papa Dong ay ikinuwento nitong may mga pag-aaral siyang ginagawa tungkol sa mga mananahi. Kahit daw iyong paghawak ng sinulid at karayom ay pinag-aaralan niya lalo’t may mahalaga itong papel sa mga action scenes na kanyang gagawin sa series.


Muling makakatrabaho ni Dingdong Dantes sa serye ang direktor na si Dominic Zapata, at makakasama niya rito sina Max Collins, Sienna Stevens, Shuvee Etrata, at Jo Berry. 


Mapapanood ito simula ngayong Abril sa GMA Prime.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page