top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Sa edad na 54… NADIA, NAKA-GRADUATE NA NG HAYSKUL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 9, 2026



TEKA NGA - NADIA, NAKA-GRADUATE NA NG HAYSKUL-FB Nadia Montenegro

Photo: FB Nadia Montenegro



Sa edad niyang 54, natupad din ang pangarap ni Nadia Montenegro na makapagtapos ng high school via ALS o Alternative Learning System. Plano rin niyang magpatuloy sa kolehiyo.


Maagang pumasok sa showbiz si Nadia na 11 years old pa lamang ay nag-artista na, kaya naisantabi muna niya ang pag-aaral. Pero hindi pa huli ang lahat dahil nakapagpatuloy siya sa pag-aaral. 


Samantala, ang anak nina Nadia at Baron Geisler na si Sophia Pla (showbiz name nito) ay pumasok na rin sa showbiz. Kasama siya sa pelikulang Bad Boy 3 (BB3) na pinagbibidahan ni Robin Padilla. May payo si Nadia sa anak tungkol sa haharapin nitong buhay sa showbiz—kailangan daw na magpakatotoo sa sarili at maging professional sa trabaho. 


Maganda at may karisma si Sophia Angela Asistio at malaki ang potensiyal na sumikat tulad ng kanyang ina.





Todo-bigay magmahal… HEART, KAYANG IWAN ANG PAMILYA PARA SA LALAKI



Aminado si Heart Evangelista na noong kanyang kabataan ay handa siyang gawin ang lahat para sa pag-ibig. Maging ang kanyang pamilya at career ay kaya niyang isantabi para lamang ipaglaban ang lalaking mahal niya.


Nang maging sila ni Jericho Rosales, kinaya niyang mawalay sa kanyang pamilya dahil hindi pabor ang mga ito sa kanilang relasyon. Ilang taon din silang hindi nagkausap ng kanyang mga magulang at mga kapatid.


Gayunman, nauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Jericho at kalaunan ay muli ring nagkaayos si Heart at ang kanyang pamilya.


Muling nasubok ang kanyang katatagan nang makarelasyon niya si Sen. Chiz Escudero. Hindi rin naging madali para kay Heart ang pagtutol ng kanyang pamilya sa kanilang relasyon, ngunit nanindigan siya para sa lalaking kanyang minahal.


Labis na nasaktan si Heart sa naging sitwasyon, lalo na nang hindi dumalo ang ilan sa kanyang mga kapamilya sa kanilang kasal. Ngunit sa paglipas ng panahon ay natanggap din ng kanyang pamilya si Sen. Chiz at naging maayos na ang kanilang samahan.


Ayon sa mga malalapit kay Heart, kapag umiibig ang aktres ay mas pinahahalagahan niya ang personal na buhay kaysa sa kanyang karera. Hindi umano siya naghahangad ng sunud-sunod na proyekto at mas gusto niyang makasama ang taong mahal niya.





Hindi sa GMA Pictures kahit Kapuso pa…

DONGYAN, SA STAR CINEMA NAKIPAG-CO-PRODUCE



NASA Quebec, Canada ngayon ang royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa shooting ng pelikulang Remember, ang kanilang follow-up project matapos ang matagumpay na Rewind.


Sa ngayon pa lamang ay mataas na ang interes ng mga DongYan (Dingdong at Marian) fans sa naturang pelikula at marami ang naniniwalang maaari rin itong maging box-office hit.


Marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi ang GMA Films ang co-producer ng Remember. Sa halip, isa itong joint venture ng Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures at Regal Entertainment.


Bagama’t parehong contract stars ng GMA Network sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, malinaw na suportado ng kanilang home network ang proyekto.

Patuloy na pinatutunayan ng mag-asawa ang kanilang pagiging bankable stars. Bilang dating kinilalang Box Office Queen and King, nananatili silang kabilang sa mga artistang may malakas na hatak sa takilya at sa manonood.





ANG child star na si Sienna Stevens, na kasama sa cast ng The Master Cutter (TMC) ay kuhang-kuha ang kanyang role bilang si Ibyang—astig kumilos at mataray. 


Kontrabida siya ni Natoy (Dingdong Dantes), kaya ‘Mr. Sungit’ ang tawag niya rito.


Humanga naman si Dong sa husay umarte ni Sienna. Nakitaan na niya ito ng natural na galing sa pag-arte. Tuwang-tuwa si Dingdong kapag sila ang magkaeksena ni Ibyang (Sienna), dahil parang nakikita niya sa bata ang kanyang anak na si Zia.


Maging si Jo Berry ay asset din sa TMC

Galit na galit naman ang mga viewers kay Paolo Contis na kontrabida sa naturang serye.


Well, hindi madali para kay Dingdong Dantes ang kanyang role sa action-drama serye. Paiba-iba ang kanyang katauhan o disguise para sa pagtupad sa misyon. Hindi man ito hard action, may puso ang kuwento nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page